Posts

Stars align at the Big Dome for the SIGLA MVPO 2026 Celebrity All-Star Basketball Game

Image
by GLEN P. SIBONGA THE highly anticipated Celebrity All-Star Basketball Game of the SIGLA MVPO 2026 took center stage at the Smart Araneta Coliseum last February 24, uniting some of the nation’s most influential personalities in a powerful celebration of health, active living, and the playful spirit that defines the MVP Olympics (MVPO).  More than a showcase of star power on the court, the event underscored a growing movement that inspires communities to embrace wellness, camaraderie, and the joy of sport, all within the iconic Big Dome. Building on a Historic Start The high-octane energy of the All-Star Game follows the massive success of the MVPO 2026 Opening Ceremony. Held last February 20 at the TSB Meralco Grounds, it was recognized as one of the most attended opening ceremonies in the history of the MVPO, setting a powerful precedent for the weeks of competition to follow. Excellence in Action: The All-Star Showdown While the atmosphere was celebratory, the gameplay reflec...

Atty. Ernelson Trojillo ikinararangal na maging corporate lawyer ng PMPC Star Awards Inc.

Image
ni GLEN P. SIBONGA MALAKING karangalan para kay Atty. Ernelson Trojillo na pinagkatiwalaan siya na maging corporate lawyer ng PMPC Star Awards Inc. Ayon nga kay Trojillo, "I am privileged and honored that I've been chosen as your representative of the PMPC. So, I am looking forward for more fruitful years to come, relationship wise. And I am really hopeful na mas maitaas natin yung antas ng mga adbokasiya ng PMPC." Ito ang inihayag ni Trojillo matapos ang courtesy call at meeting sa mga officer ng PMPC Star Awards Inc. noong Pebrero 24 sa kanyang opisina sa TMA Law Offices sa Scout Castor, Quezon City. Nagpasalamat naman ang Pangulo ng PMPC na Fernan de Guzman na tinanggap ni Trojillo ang posisyong ito para sa mas malalim na kolaborasyon sa grupo lalo na pagdating sa legal matters.  "Masayang-masaya ang aking puso na tinanggap ni Atty. Ernelson Trojillo ang imbitasyon ng PMPC para maging corporate lawyer at legal consultant namin. Maraming salamat Atty. Trojillo. ...

Rhea Tan, Lorna Tolentino, Dennis Trillo, at iba pang celebrities nag-bonding sa Beautederm's Chinese New Year celebration

Image
ni GLEN P. SIBONGA BONGGANG-BONGGA at star-studded ang naging pagdiriwang ng Beautederm Group of Companies ng Chinese New Year noong Pebrero 17 sa Beautederm Headquarters, Angeles City, Pampanga. Pinangunahan ni Beautederm founder and CEO Rhea Anicoche Tan ang selebrasyon na nagsilbi ring bonding ng Beautederm family kasama sina Grandslam Queen and Beautederm ambassador Lorna Tolentino , at award-winning actor and Belle Dolls ambassador Dennis Trillo . Naging host ng programa si DJ JhaiHo . Dumalo rin sa event at nakipag-bonding ang iba pang Beautederm celebrity ambassadors na kinabibilangan nina Ejay Falcon and wife Jana Roxas, Rochelle Barrameda, Sunshine Garcia, Buboy Villar, Kakai Bautista, Gillian Vicencio, Thou Reyes, Thia Thomalla, Kimson Tan, Janna Dominguez, Darla Sauler, Pepita Curtis, at Regine Angeles . Kasama rin ang local ambassadors mula sa Pampanga, beauty queen ambassadors, at iba pa. Nakisaya rin sina Arron Villaflor, Nadine Samonte, Sugar Mercado, Chanel Moral...

Jojo Mendrez at PMPC sanib-pwersa para sa Star Awards for Movies at TV

Image
ni GLEN P. SIBONGA BUONG pagmamalaking inihayag ng The Revival King na si Jojo Mendrez ang kanyang kasiyahan sa pakikipag-sanib-pwersa niya sa PMPC Star Awards Inc. bilang bagong producer ng 42nd Star Awards for Movies at 39th Star Awards for Television, na parehong gaganapin ngayong taon. "I love you, PMPC. Isa itong malaking oportunidad na makatulong sa ating industriya lalo na sa ating mahal na mga kaibigan sa PMPC. "Matagal na akong nagpo-produce. Masyado akong hands on, metikuloso pagdating sa production. Kaya maganda yung pagsasanib-pwersa ng PMPC at ng aking kompanya para mas maging exciting, mas maging maganda ang gagawin nating PMPC events - ang PMPC Star Awards for Television and for Movies. "Thank you so much po kay Fernan ( de Guzman , President), kay Rodel ( Fernando , Vice President), at sa inyong mga taga-PMPC," sabi ni Mendrez sa ginanap na contract signing sa pagitan niya at ng PMPC noong Pebrero 16 sa SuperSam restaurant, Scout Tobias, Quezon Ci...

Hon. Marcos Mamay nagsilbing inducting officer sa oathtaking ng 2026 PMPC officers

Image
ni GLEN P. SIBONGA NANUMPA na sa tungkulin ang 2026 newly-elected officers and board members ng PMPC Star Awards, Inc. nitong Biyernes, Enero 30, 2026, sa Japer's Restaurant sa NBS Mall sa Scout Borromeo, Quezon City. Nagsilbing inducting officer sa PMPC oathtaking ang Vice Mayor ng Nunungan, Lanao del Norte at movie producer na si Hon. Marcos Mamay . Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Fernan de Guzman , na nagbabalik sa kanyang pang-apat na beses na pamumuno sa grupo. Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa sa tungkulin ay sina  Rodel Fernando , vice president; Eric Borromeo , secretary; Mildred Bacud , assistant secretary; Boy Romero , treasurer; Jimi Escala , assistant treasurer; Joey Austria , auditor; Evelyn Diao , PRO - English; at Glen Sibonga , PRO - Filipino. Nanumpa rin ang bagong Board of Directors na sina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon . ...

Debbie Lopez gustong maka-collab si Ice Seguerra at maka-duet si Michael Pangilinan

Image
ni GLEN P. SIBONGA PANGARAP ng baguhang Cebuana singer na si Debbie Lopez na maka-collaborate sa isang kanta ang sikat na mang-aawit na si Ice Seguerra . "Idol ko talaga si Ice Seguerra kasi ang galing-galing niyang kumanta. Pag kumakanta siya ramdam mo talaga yung emosyon sa bawat lyrics na kinakanta niya. "Ang galing din niyang magsulat ng kanta. Kaya pangarap ko na sana magawan niya ako ng kanta. Kung hindi man ay makagawa ako ng bersyon ng isa sa mga kanta niya," sabi ni Debbie nang makausap namin siya kamakailan  Ano naman sa mga kanta ni Ice ang gusto niyang gawan ng bersyon? "Gusto ko yung 'Pagdating ng Panahon.' Kasi up to now marami pa rin ang nakaka-relate sa kanta. Classic na siya. And it's an honor for me na magawan ko siya ng version ko," ani Debbie. Incidentally, ipinagdiriwang ni Ice ang ika-25 years ng "Pagdating ng Panahon" ngayong taon simula nang i-record niya ang kanta noong 2001 and the rest is history, ika nga, para...

Bagong mga opisyales ng PMPC Star Awards Inc. naihalal na

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAIHALAL na ang mga bagong opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. sa ginanap na eleksyon nitong Enero 9 sa opisina ng grupo sa Roces Avenue, Quezon City. Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Fernan de Guzman . Nagbabalik bilang Pangulo si De Guzman matapos ang maka-ilang beses na rin niyang nakaraang pamumuno upang patuloy na pagsilbihan ang PMPC. Ang iba pang mga bagong opisyal ay kinabibilangan nina Rodel Fernando , vice president; Eric Borromeo , secretary; Mildred Bacud , assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala , assistant treasurer; Joey Austria , auditor; Evelyn Diao , PRO - English; at Glen Sibonga , PRO - Filipino. Binubuo naman ang bagong Board of Directors nina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente , at Francis Simeon .   Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnis...

I'mPerfect big winner ng MMFF 2025; Manila's Finest, Call Me Mother, UnMarry humakot din ng awards

Image
ni GLEN P. SIBONGA GUMAWA ng kasaysayan hindi lang sa Metro Manila Film Festival kundi sa buong industriya ng Pelikulang Pilipino ang " I'mPerfect " na pinagbibidahan ng People with Down Syndrome matapos itong tanghaling Best Picture sa ginanap na MMFF 2025 Gabi ng Parangal. "People with Down Syndrome, People with Disability, you made history tonight!" pagmamalaki ng "I'mPerfect" executive producer at cast member na si Sylvia Sanchez nang tanggapin nila ang Best Picture award. Big win ito para sa "I'mPerfect" dahil ito ang kauna-unahang Pinoy movie na pinagbibidahan ng mga artistang may Down Syndrome na nanalo ng Best Picture. Nagpasalamat naman si "I'mPerfect" director Sigrid Andrea Bernardo kay Sylvia dahil sa tiwalang ibinigay nito para ituloy ang proyekto. Aniya, maraming producers ang nagpakita ng interes nang ialok niya ang pelikula pero natatanging si Sylvia at ang Nathan Studios lang ang sumugal talaga para ip...

"I'mPerfect" cast na may Down Syndrome, endorsers na ng Nailandia; Sylvia Sanchez proud sa kanyang mga anak-anakan

Image
ni GLEN P. SIBONGA TUWANG-TUWA ang mga baguhang artistang may Down Syndrome ng pelikulang " I'mPerfect " dahil hindi pa man naipalalabas ang kanilang Metro Manila Film Festival 2025 entry ay mayroon na agad kumpanyang nagtiwala sa kanila at kinuha sila na maging endorsers - ang Nailandia , the fastest growing nail spa in the Philippines. Kasunod ng matagumpay na mediacon ng "I'mPerfect" sa Gateway 2 Cineplex 16 noong Disyembre 14 ay naganap naman ang contract signing ng cast with Down Syndrome bilang endorsers ng Nailandia. Present sa contract signing ang owner at CEO ng Nailandia na si Noreen Divina kasama ang Executive Producer ng "I'mPerfect" na si Sylvia Sanchez , na kabilang din sa cast ng pelikula. Pinangunahan ng lead stars ng "I'mPerfect" na sina Earl Amaba at Krystel Go ang pagpirma sa kontrata kasama ang kanilang co-stars na katulad nila ay may Down Syndrome rin. Masayang-masaya nga si Sylvia at proud para sa kanyang...

Vice Ganda and Nadine Lustre explore joys and pains of motherhood in “Call Me Mother”

Image
VICE GANDA and Nadine Lustre mark their highly anticipated reunion in a comedy-drama film about a mother’s unconditional love in “ Call Me Mother ,” an official entry to the 51st Metro Manila Film Festival, out in cinemas beginning December 25. Helmed by award-winning filmmaker Jun Robles Lana , the movie delves into the complexities of unwavering love, commitment, and sacrifice throughout motherhood that will warm the hearts and bring joy to families this Christmas season. “Call Me Mother” is a story about two mothers Twinkle (Vice) and Mara (Nadine). Twinkle is a former queen maker turned adoptive, loving queer mother to Angelo ( Lucas Andalio ) who proves that motherhood isn’t about biology but about choosing love and devotion.  On the other hand, Mara, Angelo’s biological mom, is a former teen pageant prodigy turned high-fashion model who lives with deep regret when she made the life-changing decision to abandon Angelo in order to follow her dreams. Twinkle reaches out to Mar...