Malolos Mayor Christian Natividad inalala ang pagsabak niya sa action movies noon; Ibabalik ang proyekto niyang Cine Republica short film festival
ni GLEN P. SIBONGA HINDI lang pala sina Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro ang public servants mula sa Bulacan na may konek sa showbiz bilang mga artista. Pati pala si Mayor Christian Natividad ng Malolos City, Bulacan ay nakaranas ding umarte at sumabak pa sa ilang action movies noon. "Gumawa rin tayo ng pelikula noong araw e. Pero ekstra-ekstra lang. Lumabas ako dati sa 'El Presidente' (ni ER Ejercito ) pero ekstra lang ako, parte lang ako ng delegado ganun. "Yung isang ginawa ko na ipinalabas sa abroad may action scenes ako doon, bumabaril ako. NBI (agent) ang role ko. 'BuyBust' yata ang title nun (movie). Pero hindi yung kay Anne Curtis na movie ha," kuwento ni Mayor Christian nang makausap namin siya ng ilang officers at members ng PMPC Star Awards Inc. kamakailan sa bagong city hall ng Malolos, Bulacan. Natanong din si Mayor Christian kung papayag ba siyang gawing pelikula ang buhay niya. Sagot niya, pwedeng-pwedeng isapeliku...