Posts

Showing posts from July, 2026

Charo Cordial kumikinang sa saya sa tagumpay ng Maddox Jewelry Fashion Show 2026

Image
ni GLEN P. SIBONGA KUMIKINANG sa kasiyahan ang Maddox Jewelry CEO at Queen of Diamonds na si Charo Cordial dahil sa malaking tagumpay ng inorganisa niyang star-studded fashion show na ginanap sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel noong July 30. Tila bumaba ang mga bituin sa langit at nagsama-sama ang sikat na mga celebrities sa Maddox Diamond Jewelry Fashion Show 2026 para rumampa sa catwalk suot ang mga naggagandahang diamond jewelry collections ng Maddox. Narito ang mga rumampang celebrities na talaga naman lalong kuminang sa suot nilang Maddox diamond jewelry collections: ICONS OF FORMS AND RADIANCE Ryza Cenon Diego Loyzaga AJ Raval  Aljur Abrenica Kris Bernal Edgar Allan Guzman Polo Ravales Sheree Bautista Pancho Magno Negi and Aubrey Miles Troy Montero ICONS OF BRILLIANCE AND ELEGANCE Katrina Halili Diana Zubiri Katya Santos James Blanco Nadine Samonte Daiana Menezes Geneva Cruz Giselle Sanchez Nana Avery Cordial and  Ara Mina ICONS OF TIMELESSNESS Beauty Gonzales M...

Andrew E. nagdiwang ng birthday kasabay ng launching ng bagong single niyang "Pasta"

Image
ni GLEN P. SIBONGA BONGGA ang selebrasyon ng ika-59 kaarawan ng King of Rap na si Andrew E. dahil isinabay niya sa kanyang birthday salubong ang launching ng latest single niyang " Pasta " sa G Side Night Club sa Tomas Morato, Quezon City. Sa pagpatak ng alas dose ng madaling araw ng July 30, pagkatapos ng birthday song ay ipinagmamalaking ipakilala ni Andrew ang bagong awitin niyang "Pasta." Siguradong another hit song ito para kay Andrew dahil kaagad pumatok ang "Pasta" sa mga bisita niya sa kanyang birthday party na kahit first time mong marinig ay talaga namang madadala ka sa groove ng kanta, mapapasabay ka sa catchy lyrics, at syempre mapapahataw ka sa signature Andrew E. beat ng kanta. Ayon nga kay Andrew, "Welcome back to me!" Matagal-tagal na rin kasi noong huli siyang maglabas ng kanta. At pasabog naman ang pagbabalik niya sa latest single niyang "Pasta." Siyempre nakipag-celebrate sa birthday ni Andrew at sumuporta sa bagong...

Ruru, Buboy, Gillian, DJ JhaiHo, Rhea Tan pinasaya ang mga tao sa Beautederm ribbon cutting sa SM City Pampanga

Image
ni GLEN P. SIBONGA THANKFUL si Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan sa kanyang ambassadors at babies na sina Ruru Madrid, Buboy Villar, Gillian Vicencio, at DJ JhaiHo na nakasama niya sa Ribbon Cutting Ceremony ng Beautederm kiosk sa SM City San Fernando, Pampanga noong July 25 along with franchisee Jill Nepomuceno at local ambassador Mak Ma riano . Hindi magkamayaw ang mga tao sa pag-cheer sa kanilang paboritong celebrities at Beautederm ambassadors na nagsilbing Beauty Consultants for a Day at personal pang nagtinda ng Beautederm products. Lalo na nang mabigyan ng pagkakataon ang ilan sa kanila na makapag-selfie at makapagpa-picture kasama sina Ruru, Buboy, Gillian at DJ JhaiHo. Maging kay Ms. Rhea ay marami ring nagpa-picture. Itinuturing nina Ruru, Buboy, Gillian, at DJ JhaiHo na magandang pagkakataon ang mga ganitong event ng Beautederm upang ma-meet at mas mapalapit sa kanilang fans. Anila, masarap sa feeling na marami silang napapasaya tuwing nagkakaroon sila ng gani...

Christian Bables ipinakilala ang mga tagapagmana sa role niyang Barbs sa "Die Beautiful The Musical"

Image
ni GLEN P. SIBONGA BONGGA ang grand reveal para sa mga gaganap na Barbs sa " Die Beautiful The Musical " dahil mismong ang original actor na gumanap sa role na ito sa pelikulang "Die Beautiful" na si Christian Bables ang mismong nagpakilala sa kanila sa video post ng The IdeaFirst Company. Ibinigay nga ni Christian ang kanyang basbas sa mga tagapagmana niya sa role na sina Lance Reblando at Chamyto , na mag-a-alternate bilang si Barbs sa "Die Beautiful The Musical" sa ilalim ng produksyon ng IdeaFirst Live. Sobrang memorable kay Christian ang pagganap niya bilang Barbs. Aniya nga, "Ang hirap bitawan ng role na ito dahil binago niya ang buhay ko. Dahil kay Barbs nakilala niyo si Christian bilang aktor. Dahil kay Barbs, natupad ang pangarap ko." At syempre dahil kay Barbs ay nanalo si Christian ng maraming acting awards sa iba't ibang award-giving bodies - Best Supporting Actor sa 42nd Metro Manila Film Festival, 40th Gawad Urian, at 35th FAP...

Maja, Kakai, Thou nag-enjoy sa kanilang shopping galore sa AK Closet ni Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA SUPER enjoy ang Beautederm ambassadors na sina Maja Salvador, Kakai Bautista, at Thou Reyes sa kanilang shopping galore kamakailan sa AK Closet ni Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan . Napakarami nga ng kanilang napamiling mga magaganda at bagong pang-OOTD (outfit of the day) at pang-rampa.  Sabi nga nila, sulit na sulit ang pagpunta nila sa AK Closet dahil sa wide selection ng stylish, branded, authentic pieces sa budget-friendly prices. Ang AK Closet ang newest baby and latest business venture ni Ms. Rhea. Her love for fashion inspired her to open her very first thrift designer and branded clothing shop located at Beautederm Headquarters, Lot 2, Block 19, Corner San Jose St., McArthur Highway, Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga Samantala, nagsilbi namang Beauty Consultants for a day sina Maja, Kakai, at Thou sa Beautederm kiosk sa SM City Clark noong July 16. Marami silang pinasayang mga taga-Pampanga at maging mga taga-kalapit lugar na tumungo sa venue.

Birth certificate ng IVF baby ni transman Aian Lazaro kinukuwestiyon

Image
ni GLEN P. SIBONGA KONTROBERSIYAL ang latest content ng vlogger na si Makagago tungkol sa transman na si Aian Lazaro, na ang tunay na pangalan ay Vivian Marie Lazaro. Si Aian ay isang transgender man na nauna nang nagbahagi ng kanyang kuwento sa mga panayam niya kay Karen Davila at maging sa "Eat Bulaga."  Ayon sa kanya, nagkaroon sila ng anak ng kanyang partner na si Apple sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF), at sinabi rin nilang milyon-milyong piso ang kanilang nagastos para rito. May tatlong anak sina Aian at Apple, ang panganay nilang babae at kambal na mga lalaki. Sa bagong content ni Makagago, may lumabas na mga alegasyon na may isa umanong tao na tumulong sa pagpopondo ng kanilang IVF. Gayunpaman, wala pang opisyal na ebidensiyang inilalabas sa publiko na nagpapatunay sa pahayag na ito. Ang isa pang isyung lumalabas ngayon ay ang umano'y nakasaad sa birth certificate ng kanilang panganay na anak, na si Aian ang.naka-register na "mother" at...

Dwayne Garcia thankful sa sunud-sunod na blessings; Panalo na sa Star Awards for Music kasama pa sa pelikulang "#Uploading"

Image
ni GLEN P. SIBONGA PUNO ng pasasalamat si Dwayne Garcia dahil sa sunud-sunod na blessings na natatanggap niya. Nanalo na siya sa Star Awards for Music kamakailan, tapos kasama pa siya sa cast ng pelikulang "#Uploading." Personal na tinanggap ni Dwayne ang kanyang award bilang New Male Recording Artist of the Year sa 17th Star Awards for Music ng PMPC Star Awards Inc. noong June 25 sa Teatrino Promenade Greenhills. Nagwagi si Dwayne para sa single niyang “Taym Perst Muna” under Star Music and composed by award-winning composer and director Joven Tan . Nag-post din si Dwayne ng pasasalamat sa kanyang Facebook account. Aniya, "Grabe. So honored and grateful for this, PMPC. Thank you for recognizing new artists like me. "Direk Joven Tan , thank you po for Taym Perst Muna.  And to Star Music and Sir Jonathan Manalo , thank you for the opportunity and for believing. "To my family and friends thank you for always being there. Kayo talaga yung lakas ko.  And to ever...

Vice Ganda, Vic Sotto sanib-pwersa sa pelikulang "The Greatest Showdown"

Image
ni GLEN P. SIBONGA MAGSASANIB-PWERSA sa unang pagkakataon sa isang pelikula ang dalawang Box-Office Royalties na sina Unkabogable Superstar Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa “ The Greatest Showdown ,” mula sa direksyon ni Jun Robles Lana at mapapanood ngayong 2026.  Mainit ang naging pagtanggap ng fans sa pagsasama ng dalawang box office stars matapos i-anunsyo mismo nina Vice at Vic na nais nilang magbigay saya at katatawanan sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pelikula. “Kailangan namin magsanib-pwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa,” pahayag ni Vice tungkol sa pelikula. Dagdag pa ni Vic, “Ang pelikulang ito ay magbibigay ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo. Sinisiguro rin namin na marami kayong mapupulot na aral.” Samantala, nagbigay aliw rin sa mga manonood sa new movie alert launch ang palitan ng pagbati nina Vice at Vic sa supporters ng kanil...