Debbie Lopez gustong maka-collab si Ice Seguerra at maka-duet si Michael Pangilinan
ni GLEN P. SIBONGA
PANGARAP ng baguhang Cebuana singer na si Debbie Lopez na maka-collaborate sa isang kanta ang sikat na mang-aawit na si Ice Seguerra.
"Idol ko talaga si Ice Seguerra kasi ang galing-galing niyang kumanta. Pag kumakanta siya ramdam mo talaga yung emosyon sa bawat lyrics na kinakanta niya.
"Ang galing din niyang magsulat ng kanta. Kaya pangarap ko na sana magawan niya ako ng kanta. Kung hindi man ay makagawa ako ng bersyon ng isa sa mga kanta niya," sabi ni Debbie nang makausap namin siya kamakailan
Ano naman sa mga kanta ni Ice ang gusto niyang gawan ng bersyon?
"Gusto ko yung 'Pagdating ng Panahon.' Kasi up to now marami pa rin ang nakaka-relate sa kanta. Classic na siya. And it's an honor for me na magawan ko siya ng version ko," ani Debbie.
Incidentally, ipinagdiriwang ni Ice ang ika-25 years ng "Pagdating ng Panahon" ngayong taon simula nang i-record niya ang kanta noong 2001 and the rest is history, ika nga, para sa career ni Ice.
Natanong din namin si Debbie kung sino pa sa mga male singer ang gusto niyang maka-duet?
"Si Michael Pangilinan," sagot ni Debbie. "Ang galing din niyang kumanta and gusto ko yung mga RnB."
Samantala, matapos ang kanyang Visayan hit single na “Ang Higugmaon Ka,” sumabak na rin si Debbie sa recording ng kanyang bagong original song na "Show Me The Night," na nakatakda niyang i-release sa Spotify at iba pang streaming platforms sa February 14, Valentine's Day.
Congratulations, Debbie!
.jpg)

Comments
Post a Comment