Posts

Showing posts from May, 2026

BINI, TJ Monterde, Maki, Cup of Joe, Lola Amour, Dionela, Amiel Sol maglalaban sa Song of the Year sa 17th Star Awards for Music

Image
ni GLEN P. SIBONGA BIGATING mga pangalan at mga awitin sa industriya ng musikang Pilipino ang magtutunggali upang makamit ang mga prestihiyosong tropeyo at parangal sa 17th Star Awards for Music ng PMPC Star Awards Inc. na gaganapin sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City sa Hunyo 25, 2026. Pangungunahan iyan ng labanan para sa Song of the Year ng "Salamin, Salamin" ng BINI ; "Palagi" ni TJ Monterde ; "Dilaw" ni Maki ; "Multo" ng Cup of Joe ; "Nami-miss Ko Na" ng Lola Amour ; "Marilag" ni Dionela ; at "Sa Bawat Sandali" ni Amiel Sol . Mahigpit din ang kompetisyon para sa Album of the Year ng "Talaarawan" ng BINI; "The Traveller Across Dimensions" ng Ben&Ben ; "Method Adaptor" ni Ely Buendia ;   "Sariling Mundo" ni TJ Monterde ; "Lola Amour" ng Lola Amour ; "MU" ni Arthur Miguel ; at "jgh" ni James Reid . Magtatapatan ang mga haligi ...

Celeste Legaspi, Andrew E, Mon del Rosario pararangalan ng Lifetime Achievement Awards sa 17th Star Awards for Music

Image
ni GLEN P. SIBONGA BIBIGYANG-PUGAY at pararangalan ng Lifetime Achievement Awards ang tatlo sa pinagpipitagang personalidad at icons sa industriya ng musika sa Pilipinas - sina Celeste Legaspi , Andrew E , at Mon del Rosario - sa gaganaping 17th Star Awards for Music sa Teatrino, Greenhills, San Juan City sa Hunyo 25, 2026. Ang tatlong music icons ang napagdesisyunan ng mga opisyales at miyembro ng PMPC Star Awards Inc. na gawaran ng espesyal na mga parangal ngayong taon dahil sa marami nilang kontribusyon sa Philippine music industry. Pararangalan sina Celeste Legaspi at Andrew E ng Pilita Corrales Lifetime Achievement awards, habang tatanggapin naman ni Mon del Rosario ang Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award . Nauna nang naparangalan ng PMPC si Celeste noong 2011 nang mapabilang siya sa 15 OPM Icons na binigyan ng special awards sa 3rd Star Awards for Music. Si Andrew E naman ay nanalo ng Rap Album of the Year para sa kanyang "Club Zilla" album sa 2nd Star ...

Jennylyn Mercado bagong mukha ng Reverie ng Beautederm; Nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal ni Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA MASAYANG humarap si Beautederm ambassador Jennylyn Mercado kasama si Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan sa mga entertainment press at bloggers upang ianunsiyo ang kanilang bagong partnership at collaboration. Si Jennylyn ang napili ni Ms. Rhea bilang bagong mukha ng nagbabalik na produkto ng Beautederm - ang Reverie Air Fabric Freshener . Kaya naman sa media launch na ginanap sa Solaire North noong May 6 ay labis ang pasasalamat ni Jennylyn kay Ms. Rhea dahil sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal nito sa kanya. Unang inendorso ni Jennylyn sa Beautederm ang Cristaux beauty and anti-aging serums. At ngayon nga sa kanyang ikalawang taon ay ang Reverie Air Fabric Freshener na ang kanyang ineendorso. Ayon nga kay Jennylyn, "Ate Rei (palayaw ni Ms. Rhea) maraming salamat sa pangalawang taon ng pagtanggap sa akin. Salamat sa pagmamahal at pag-aalaga sa akin. Napakagaling pong mag-alaga ni Ate Rei talaga. Napakalaki ng pasasalamat ko dahil sa pangalawang t...