Bagong mga opisyales ng PMPC Star Awards Inc. naihalal na

ni GLEN P. SIBONGA


NAIHALAL na ang mga bagong opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. sa ginanap na eleksyon nitong Enero 9 sa opisina ng grupo sa Roces Avenue, Quezon City.


Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Fernan de Guzman. Nagbabalik bilang Pangulo si De Guzman matapos ang maka-ilang beses na rin niyang nakaraang pamumuno upang patuloy na pagsilbihan ang PMPC.


Ang iba pang mga bagong opisyal ay kinabibilangan nina Rodel Fernando, vice president; Eric Borromeo, secretary; Mildred Bacud, assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala, assistant treasurer; Joey Austria, auditor; Evelyn Diao, PRO - English; at Glen Sibonga, PRO - Filipino.


Binubuo naman ang bagong Board of Directors nina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.  


Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnista, bloggers, TV and radio hosts), mula nung itinatag ang organisasyon noong 1960’s. Ang grupo ang nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.


Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Fernan de Guzman, sisikapin niya kasama ang mga opisyales at miyembro ng PMPC na pag-ibayuhin pa ang antas ng lokal na pamamahayag ng industriya ng entertainment, para sa kapakinabangan ng lahat, lalo na para sa maayos na samahan at kapakanan ng buong PMPC.

Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family