Rhea Tan, Lorna Tolentino, Dennis Trillo, at iba pang celebrities nag-bonding sa Beautederm's Chinese New Year celebration

ni GLEN P. SIBONGA


BONGGANG-BONGGA at star-studded ang naging pagdiriwang ng Beautederm Group of Companies ng Chinese New Year noong Pebrero 17 sa Beautederm Headquarters, Angeles City, Pampanga.


Pinangunahan ni Beautederm founder and CEO Rhea Anicoche Tan ang selebrasyon na nagsilbi ring bonding ng Beautederm family kasama sina Grandslam Queen and Beautederm ambassador Lorna Tolentino, at award-winning actor and Belle Dolls ambassador Dennis Trillo. Naging host ng programa si DJ JhaiHo.


Dumalo rin sa event at nakipag-bonding ang iba pang Beautederm celebrity ambassadors na kinabibilangan nina Ejay Falcon and wife Jana Roxas, Rochelle Barrameda, Sunshine Garcia, Buboy Villar, Kakai Bautista, Gillian Vicencio, Thou Reyes, Thia Thomalla, Kimson Tan, Janna Dominguez, Darla Sauler, Pepita Curtis, at Regine Angeles. Kasama rin ang local ambassadors mula sa Pampanga, beauty queen ambassadors, at iba pa.


Nakisaya rin sina Arron Villaflor, Nadine Samonte, Sugar Mercado, Chanel Morales, at Jennie Gabriel.


Bago ang short program kung saan bumati ang celebrity ambassadors, sinaksihan muna ng lahat ang traditional Dragon Dance, na pinaniniwalaang nagbibigay ng swerte.


Masayang-masaya si Ms. Rhea dahil pangatlong taon nang ipinagdiriwang ang Chinese New Year sa kanyang Beautederm building. Nagpapasalamat siya sa lahat ng celebrities na pumunta at nakipag-bonding. Gayundin sa kanyang media and blogger friends, at sa lahat ng mga sumuporta.


Thankful si Ms. Rhea sa patuloy na pagbuhos ng mga biyaya sa kanya at sa kanyang mga negosyo. Gayundin sa patuloy na pamamayagpag at pagtatagumpay ng Beautederm sa beauty and wellness industry.








Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family