Posts

Showing posts from January, 2026

Hon. Marcos Mamay nagsilbing inducting officer sa oathtaking ng 2026 PMPC officers

Image
ni GLEN P. SIBONGA NANUMPA na sa tungkulin ang 2026 newly-elected officers and board members ng PMPC Star Awards, Inc. nitong Biyernes, Enero 30, 2026, sa Japer's Restaurant sa NBS Mall sa Scout Borromeo, Quezon City. Nagsilbing inducting officer sa PMPC oathtaking ang Vice Mayor ng Nunungan, Lanao del Norte at movie producer na si Hon. Marcos Mamay . Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Fernan de Guzman , na nagbabalik sa kanyang pang-apat na beses na pamumuno sa grupo. Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa sa tungkulin ay sina  Rodel Fernando , vice president; Eric Borromeo , secretary; Mildred Bacud , assistant secretary; Boy Romero , treasurer; Jimi Escala , assistant treasurer; Joey Austria , auditor; Evelyn Diao , PRO - English; at Glen Sibonga , PRO - Filipino. Nanumpa rin ang bagong Board of Directors na sina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon . ...

Debbie Lopez gustong maka-collab si Ice Seguerra at maka-duet si Michael Pangilinan

Image
ni GLEN P. SIBONGA PANGARAP ng baguhang Cebuana singer na si Debbie Lopez na maka-collaborate sa isang kanta ang sikat na mang-aawit na si Ice Seguerra . "Idol ko talaga si Ice Seguerra kasi ang galing-galing niyang kumanta. Pag kumakanta siya ramdam mo talaga yung emosyon sa bawat lyrics na kinakanta niya. "Ang galing din niyang magsulat ng kanta. Kaya pangarap ko na sana magawan niya ako ng kanta. Kung hindi man ay makagawa ako ng bersyon ng isa sa mga kanta niya," sabi ni Debbie nang makausap namin siya kamakailan  Ano naman sa mga kanta ni Ice ang gusto niyang gawan ng bersyon? "Gusto ko yung 'Pagdating ng Panahon.' Kasi up to now marami pa rin ang nakaka-relate sa kanta. Classic na siya. And it's an honor for me na magawan ko siya ng version ko," ani Debbie. Incidentally, ipinagdiriwang ni Ice ang ika-25 years ng "Pagdating ng Panahon" ngayong taon simula nang i-record niya ang kanta noong 2001 and the rest is history, ika nga, para...

Bagong mga opisyales ng PMPC Star Awards Inc. naihalal na

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAIHALAL na ang mga bagong opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. sa ginanap na eleksyon nitong Enero 9 sa opisina ng grupo sa Roces Avenue, Quezon City. Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Fernan de Guzman . Nagbabalik bilang Pangulo si De Guzman matapos ang maka-ilang beses na rin niyang nakaraang pamumuno upang patuloy na pagsilbihan ang PMPC. Ang iba pang mga bagong opisyal ay kinabibilangan nina Rodel Fernando , vice president; Eric Borromeo , secretary; Mildred Bacud , assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala , assistant treasurer; Joey Austria , auditor; Evelyn Diao , PRO - English; at Glen Sibonga , PRO - Filipino. Binubuo naman ang bagong Board of Directors nina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente , at Francis Simeon .   Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnis...