Atty. Ernelson Trojillo ikinararangal na maging corporate lawyer ng PMPC Star Awards Inc.

ni GLEN P. SIBONGA

MALAKING karangalan para kay Atty. Ernelson Trojillo na pinagkatiwalaan siya na maging corporate lawyer ng PMPC Star Awards Inc.


Ayon nga kay Trojillo, "I am privileged and honored that I've been chosen as your representative of the PMPC. So, I am looking forward for more fruitful years to come, relationship wise. And I am really hopeful na mas maitaas natin yung antas ng mga adbokasiya ng PMPC."


Ito ang inihayag ni Trojillo matapos ang courtesy call at meeting sa mga officer ng PMPC Star Awards Inc. noong Pebrero 24 sa kanyang opisina sa TMA Law Offices sa Scout Castor, Quezon City.


Nagpasalamat naman ang Pangulo ng PMPC na Fernan de Guzman na tinanggap ni Trojillo ang posisyong ito para sa mas malalim na kolaborasyon sa grupo lalo na pagdating sa legal matters. 


"Masayang-masaya ang aking puso na tinanggap ni Atty. Ernelson Trojillo ang imbitasyon ng PMPC para maging corporate lawyer at legal consultant namin. Maraming salamat Atty. Trojillo. Ibig sabihin mayroon na kaming tagapagtanggol pagdating sa mga legal na bagay. Level up na ang PMPC dahil mayroon na kaming kakamping abugado," sabi ni De Guzman.


Bukod kay De Guzman, kabilang din sa mga dumalong PMPC officers sina Eric Borromeo, Boy Romero, Jimi Escala, Joey Austria, Glen Sibonga, at Melba Llanera.


Si Atty. Ernelson Trojillo ay may mahigit sa pitong taong karanasan sa larangan ng corporate, civil, criminal, labor, maritime, tax immigration laws, and real estate matters. May malawak din siyang karanasan sa pagbibigay ng payo sa kanilang mga kliyente mula sa business start-ups to seasoned companies. Bihasa rin siyang strategist at negotiator, na may magandang track record sa litigation na nag-o-offer ng intelligent strong work both in and out of the courtroom.


Si Trojillo, na isang professor of Labor and Corporate Law, ay nagtapos bilang Top 4 sa kanyang batch mula sa University of Santo Tomas Faculty of Civil Law. Naging candidate rin siya ng Master of Laws (LLM) specializing on International Corporate and Business Law sa Ateneo de Manila University. Miyembro rin siya ng Integrated Bar of the Philippines.


In addition to private practice, na-involve rin si Trojillo sa ilang election-related matters. Noong 2019, naugnay siya sa BiƱan election dispute concerning alleged unconventional vote-buying activities near polling precincts. Associated din siya sa legal efforts contesting the proclamation of the Duterte Youth party-list group noong 2019 elections.


Bilang corporate lawyer ng PMPC, nangangako si Trojillo na tutulungan ang grupo sa abot ng kanyang makakaya lalo na pagdating sa legal matters.


Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnista, bloggers, TV and radio hosts), mula nang itinatag ang organisasyon noong 1960’s. Ang inoorganisa nitong Star Awards for Movies, Television, at Music ay kabilang sa mga inaabangang showbiz events at awards night taun-taon.








Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family