Jojo Mendrez at PMPC sanib-pwersa para sa Star Awards for Movies at TV

ni GLEN P. SIBONGA

BUONG pagmamalaking inihayag ng The Revival King na si Jojo Mendrez ang kanyang kasiyahan sa pakikipag-sanib-pwersa niya sa PMPC Star Awards Inc. bilang bagong producer ng 42nd Star Awards for Movies at 39th Star Awards for Television, na parehong gaganapin ngayong taon.


"I love you, PMPC. Isa itong malaking oportunidad na makatulong sa ating industriya lalo na sa ating mahal na mga kaibigan sa PMPC.


"Matagal na akong nagpo-produce. Masyado akong hands on, metikuloso pagdating sa production. Kaya maganda yung pagsasanib-pwersa ng PMPC at ng aking kompanya para mas maging exciting, mas maging maganda ang gagawin nating PMPC events - ang PMPC Star Awards for Television and for Movies.


"Thank you so much po kay Fernan (de Guzman, President), kay Rodel (Fernando, Vice President), at sa inyong mga taga-PMPC," sabi ni Mendrez sa ginanap na contract signing sa pagitan niya at ng PMPC noong Pebrero 16 sa SuperSam restaurant, Scout Tobias, Quezon City.


Bukod kay Mendrez, present din sa contract signing ang kanyang abugado na si Atty. Pauline Dolor Apostol Advincula, ang PMPC Star Awards Inc. President na si Fernan de Guzman, Vice President Rodel Fernando, kasama ang iba pang PMPC officers na sina Eric Borromeo, Mildred Bacud, Boy Romero, Jimi Escala, Joey Austria, Evelyn Diao, Glen Sibonga, at board members na sina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon. Sumuporta rin sa event ang staff ni Mendrez at kanyang management team mula sa Artist Circle ni Rams David.


Nagpasalamat naman si PMPC President Fernan de Guzman kay Mendrez sa pagsasanib-pwersang ito.


Ayon kay De Guzman, "Salamat sa pagtitiwala sa amin. Sana maging maganda ang pagsasama natin, simula ito ng maganda nating samahan. Sana maging successful ang lahat."


Si Jojo Mendrez, na bitbit ang titulo bilang The Revival King, bukod sa pagiging bihasa na sa pagpe-perform at pag-awit ay maraming beses na ring nakapag-produce ng mga concert at show ng mga sikat at bigating celebrities katulad na lang nina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, at Pops Fernandez.


Nakilala siya bilang The Revival King dahil hilig niyang gawan ng bagong bersyon at rendition ang popular na mga awitin gaya na lang ng Somewhere In My Past ni Julie Vega.


Sa kasalukuyan may bago siyang revival song na inilabas, ang Valentine, na composed ni Jim Brickman at inawit ni Martina McBride.


Samantala, may mga naiisip ng mga ideya at konsepto si Mendrez para sa 42nd Star Awards for Movies at 39th Star Awards for TV.


"Abangan niyo ang gagawin naming mga pasabog! Sisiguraduhin namin ng PMPC na magiging maganda ito!" ani Mendrez.


Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnista, bloggers, TV and radio hosts), mula nang itinatag ang organisasyon noong 1960’s. Ang inoorganisa nitong Star Awards for Movies, Television, at Music ay kabilang sa mga inaabangang showbiz events at awards night taun-taon.






Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family