Posts

Showing posts from March, 2024

Direk Jun Lana panibagong obra ang "Your Mother's Son;" Tuwang-tuwa sa magagandang feedback sa press preview

Image
ni GLEN P. SIBONGA Mapalad kami na mapabilang sa mga press na unang nakapanood sa bagong pelikula ni Direk Jun Robles Lana, ang "Your Mother's Son," sa ginanap na press preview at mediacon ng pelikula sa Gateway 2 Cineplex 17 nitong Huwebes, Marso 21. Matapos maipalabas ang "Your Mother's Son" sa mga international film festivals sa Toronto, Tallinn, at Taipei, finally magkakaroon na ito ng Philippine premiere sa April 12 bilang Opening Film ng "ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival" na gaganapin sa Gateway Cinemas mula April 12 hanggang April 14, 2024. Pagkatapos naming mapanood sa press preview, masasabi naming panibagong obra ni Direk Jun at ng The IdeaFirst Company ang "Your Mother's Son." Napakahusay ng pagkagawa at pagkukuwento. Bukod sa galing sa pag-arte, hinangaan namin ang tapang ng mga pangunahing artista sa pelikula na sina Sue Prado, Kokoy de Santos, Miggy Jimenez, at Elora Españo sa kanilang maraming daring scenes. Ayoko

PMPC Team Building sa Hacienda Isabella matagumpay at masaya

Image
ni GLEN P. SIBONGA Matagumpay at masaya ang ginanap na team building ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite nitong Marso 19 at 20. Napuno ng galak ang officers at members ng PMPC sa masayang bonding na magkakasamang kumain at pagsali sa mga palaro. Nag-enjoy din ang grupo sa magagandang artworks at antique collections ng may-ari ng Hacienda Isabella na si Pop Diva Kuh Ledesma. Tila nag-nature tripping din ang lahat sa napakaraming mga halaman, puno, at kaakit-akit na mga bulaklak sa buong paligid na talaga namang nakaka-relax at ika nga ay instagrammable ang lugar. Patok ito sa pagse-selfie at paggawa ng reels pati na rin sa pagba-vlog. Kaya naman lubos na nagpapasalamat ang buong pamumuan ng PMPC at mga miyembro nito kay Ms. Kuh Ledesma at sa mga staff ng Hacienda Isabella sa mainit na pagtanggap at pag-aalaga sa grupo. Nagpapasalamat din ang PMPC sa lahat ng mga sponsor na sumuporta at tumulong upang maging matagumpay at masaya ang team building

Repakol band excited na sa kanilang Tropa US Tour

Image
ni GLEN P. SIBONGA Excited na ang bandang Repakol dahil malapit na ang kanilang Tropa US Tour na magaganap sa mga buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo. "Nakaka-excite kasi marami na naman kaming mapapasaya na mga kababayan natin sa iba't ibang panig ng Amerika. At saka pati yung international audience ay mapapasaya rin namin," sabi ni Noel Palomo, dating frontman ng Siakol na ngayon ay vocalist na ng Repakol. Ayon naman kay Miniong Cervantes, dati ring Siakol member na ngayon ay lead guitarist ng Repakol, "Todo na ang paghahanda namin dahil gusto naming bigyan ng memorable show ang mga manonood. Bukod sa tugtugan ng banda, dapat ding abangan ang collaboration namin sa ibang artists." Syempre pasok sa lineup ng mga kakantahin nila ang kanilang hit songs sa Siakol kabilang na ang "Lakas Tama," "Peksman," "Bakit Ba?," at "Hindi Mo Ba Alam." Bukod kina Noel at Miniong, kabilang din sa Repakol sina Alvin Palomo (guitar), Wilbert Jime

Dingdong Dantes at Alden Richards proud na mapabilang sa prime movers sa selebrasyon ng Mowelfund 50th Anniversary

Image
ni GLEN P. SIBONGA Proud ang dalawa sa pinakasikat at pinakamabait na mga aktor sa Pilipinas na sina Dingdong Dantes at Alden Richards na kabilang sila sa prime movers na mangunguna sa iba't ibang activities at events na may kinalaman sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng Mowelfund - Movie Workers Welfare Foundation, Inc. Ayon nga kay Dingdong, "It's a big milestone for the industry na you know yung tahanan natin ay magse-celebrate ng 50th year. Malaking bagay na at this point kasama ako rito sa board. Excited lang din talaga ako sa mga pwede pang gawin in the next fifty years, and of course after celebrating lahat ng mga nangyari in the past 50 years. I'm very excited lang sa buong members and body." Sabi naman ni Alden, "Masaya ako kasi parang nabibigyang validation po yung pagbibigay tulong natin sa mga tao sa industriya. At the same time nakakataba ng puso na makita silang masaya after all that help we are giving." Binati rin namin si Alden dahil s

Beautederm founder Rhea Tan supports Kasuso Foundation

Image
by GLEN P. SIBONGA Beautéderm  founder and chairwoman Rhea Anicoche Tan visited the  Kasuso Foundation  beneficiaries to announce her cash donation, Sunday, March 10. Tan was joined by Beautéderm ambassadors Lorna Tolentino, Vice Governor Alex Castro, Sunshine Garcia Castro, Darla Sauler, Alma Concecion, Ynez Veneracion, Anne Feo, Alynna, Rochelle Barrameda, Thou Reyes, DJ JhaiHo, KitKat, Teri Onor, and Quezon City District 3 Councilor Wency Lagumbay. Present also during the ‘Quarterly Christmas’ event were Kapamilya young star  Gillian Vicencio , Sparkle artist  Kimson Tan,  and the foundation’s board of trustees member  Ogie Diaz . In a statement, the skincare executive said, “ Beautéderm’s mission is to give people hope. I hope everyone will see the joy in helping others and do the same. People should start caring for others. ” She added, “ What I love about Kasuso Foundation is its commitment. This partnership is not confined to a single event but represents a long-term commitment

"Barangay Singko Panalo" umarangkada na sa pamimigay ng papremyo at saya

Image
ni GLEN P. SIBONGA Umarangkada na sa pamimigay ng papremyo at saya ang bagong game show ng TV5 na "Barangay Singko Panalo" simula nitong Lunes, Marso 11. Full of energy sina Jerald Napoles at Kayla Rivera, ang hosts ng "Barangay Singko Panalo," na isang original game show ng TV5 na may halong sitcom elements na hango sa daily lives ng mga Pinoy at binibigyan ang mga players ng pagkakataong manalo hanggang P100,000 araw-araw.  Sa bawat episode ng Barangay Singko Panalo, may mga problema at scenarios ang haharapin ng mga barangay contestants. Magiging unpredictable ang mga challenges sa bawat round at mula sa limang players, isa lang ang maaaring makasama sa jackpot round para manalo ng cash prize up to P100,000. Sayang nga lang at hindi nakuha ng last player standing na si Ace, isang Zumba instructor, ang jackpot prize kahit pa nga binawasan na ang timbang ng coins na dapat niyang mahakot. Mula sa bigat na 15 kilos ay ginawa munang 10 kilos ang dapat na mahakot na co

Rhea Tan at Beautederm family tuloy-tuloy ang pagtulong at pagpapasaya sa breast cancer warriors

Image
ni GLEN P. SIBONGA Tuloy-tuloy ang Beautederm sa pangunguna ng CEO nito na si Rhea Anicoche Tan sa pagtulong at pagpapasaya sa breast cancer patients at warriors na itinataguyod ng sikat na showbiz personality at talent manager na si Ogie Diaz sa pamamagitan ng itinatag nitong Kasuso Foundation. Quaterly ay nagsasagawa si Ogie at Kasuso Foundation ng Christmas party at get together para sa breast cancer warriors. Iyan ang kahanga-hanga sa Kasuso Foundation dahil hindi lang tuwing panahon ng Kapaskuhan sila nagpapa-Christmas party kundi tuwing tatlong buwan o quarterly. Kabilang si Ms. Rhea at Beautederm sa mga aktibong tumutulong sa Kasuso Foundation. Kaya naman nitong Linggo, Marso 10, ay present muli si Ms. Rhea sa quarterly Christmas party ng Kasuso Foundation kasama ang Beautederm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Alex Castro, Sunshine Garcia, Kitkat, DJ JhaiHo, Gillian Vicencio, Kimson Tan, Thou Reyes, Alynna Velasquez, Ynez Veneracion, Anne

Kim Chiu at Paulo Avelino magpapakilig sa Pinoy adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim" simula sa Marso 18 sa Viu

Image
ni GLEN P. SIBONGA Umaapaw na kilig at ‘tatak Pinoy’ ang ibibida nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula sa Marso 18. Ibinahagi ni Kim na makaka-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Pilipino. "As proud Pinoy, maraming nilagay ang mga writers namin and everyone involved sa paggawa ng 'Secretary Kim' the Philippine version. Maraming Filipino touch such as family oriented or 'yung mga more comedy side. Actually kapag pinanood mo siya side by side, medyo parehas siya [sa Korean counterpart]. Pero 'yung story namin is more Filipino and mas makaka-relate 'yung karamihan," sabi ni Kim sa mediacon para sa serye. “There’s always pressure whenever you do an adaptation. But what we did was to stick to the script and be true to our culture to show how well we can do it as Filipinos,” dagdag pa ni Paulo.  Ipamamalas d

Cignal Pay TV "Awesome Choice" pa rin para sa mga Pinoy

Image
ni GLEN P. SIBONGA Patuloy na pinatitibay ng Cignal ang kanilang posisyon bilang “awesome choice” ng nakararami pagdating sa family entertainment. Sa pamamagitan ng malawak nitong abot hanggang sa pinakamalayong lugar ng Pilipinas, mas pinipili pa rin ng milyong mga Pilipino ang Cignal dahil kahit nasaan ka man, tinitiyak nila na hindi ka magiging huli sa paborito mong mga programa! Bilang pay TV provider na nakakaintindi sa pabago-bagong interes ng mga Pinoy pagdating sa entertainment, maraming content ang mai-o-offer ng Cignal. Kung gusto niyo ang kumpletong HBO lineup, Cinema One at PBO para sa blockbuster movies, family-friendly programs mula sa BuKo, Sari Sari, Cartoon Network HD at Dreamworks HD, komprehensibong lokal at internasyonal coverage na balita mula sa One PH, One News HD, BBC News o maging updated sa lokal at internasyonal sports mula sa NBA TV Philippines HD, One Sports+ HD, UAAP Varsity Channel HD, PBA Rush HD etc., lahat ng iyan ay meron sa Cignal. Meron ding mga “cu

"Barangay Singko Panalo" ng TV5 maghahatid ng saya at papremyo simula Marso 11

Image
ni GLEN P. SIBONGA Simula sa Marso 11, mas magiging exciting ang primetime ng mga Kapatid viewers dahil sa bagong programang hatid ng TV5, ang "Barangay Singko Panalo" sa ilalim ng produksyon ng The IdeaFirst Company. Ito ay isang original game show ng TV5 na may halong sitcom elements na hango sa daily lives ng mga Pinoy at binibigyan ang mga players ng pagkakataong manalo hanggang P100,000 araw araw.  Pinangungunahan ni Kagawad Je (Jerald Napoles) at ang magandang SK Kayla (Kayla Rivera), kasama si Kap Al na si Ej Gonzaga at iba pang mga kasama sa Barangay Singko, tiyak na magiging paboritong libangan ng lahat ang "Barangay Singko Panalo" araw-araw. Sa bawat episode ng "Barangay Singko Panalo," may mga problema at scenarios ang haharapin ng mga barangay contestants. Magiging unpredictable ang mga challenges sa bawat round at mula sa limang players, isa lang ang maaaring makasama sa jackpot round para manalo ng cash prize up to P100,000. Hangad ng bagong

The IdeaFirst Company bongga ang handog na mga proyekto para sa kanilang 10th anniversary

Image
ni GLEN P. SIBONGA Bongga ang handog na mga proyekto ng The IdeaFirst Company na pinamumunuan nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Robles Lana para sa pagdiriwang ng 10th anniversary ng kanilang kumpanya ngayong taon. Nangunguna na riyan ang isasagawa nilang ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival kung saan itatampok ang mga pelikulang nagawa ng kumpanya na karamihan ay pawang award-winning movies. Ayon nga sa post sa official Facebook page ng IdeaFirst, "Celebrate a decade of bringing extraordinary stories to light.  ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival April 12-14, 2024 at GATEWAY CINEPLEX 18" Sa hiwalay na FB post ni Direk Perci, inalala niya ang naging paglalakbay ng IdeaFirst sa loob ng isang dekada. Pahayag ni Direk Perci, "Our film journey actually began over a decade ago when Bwakaw was selected for Cinemalaya and Jun approached Mr. Tony Tuviera of APT Entertainment for help in producing it.  As Octobertrain Films, we screened Bwakaw around the world. And the f

Gelli, Sherilyn, Patricia, at Rep. Wilbert Lee excited na sa pag-ere ng "Si Manoy Ang Ninong Ko" simula sa Marso 3

Image
ni GLEN P. SIBONGA Excited na sina  Gelli de Belen, Sherilyn Reyes-Tan, Patricia Tumulak, at Agri Party-list Rep. Wilbert "Manoy" Lee - ang mga host ng “Si Manoy Ang Ninong Ko” dahil magsisimula nang umere ang naturang bagong public service program sa Linggo, March 3, sa GMA-7. Handog ng  “Si Manoy Ang Ninong Ko” ang mga kwento ng pag-asa, katatagan, at modern day “bayanihan” tuwing Linggo ng umaga. Ayon nga sa dating businessman at ngayo'y public servant na si Manoy Wilbert, tampok sa “Si Manoy Ang Ninong Ko” ang mga “tunay na kwento ng ating mga  kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na hindi tayo mawalan ng pag-asa. “Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.” Pagbabahagi naman ng magaling na aktres na si Gelli, “Iyong mga problema nila na kailangan nila ng tulong, hindi siya 'yung usual na kailangan