Rhea Tan at Beautederm family tuloy-tuloy ang pagtulong at pagpapasaya sa breast cancer warriors
ni GLEN P. SIBONGA
Tuloy-tuloy ang Beautederm sa pangunguna ng CEO nito na si Rhea Anicoche Tan sa pagtulong at pagpapasaya sa breast cancer patients at warriors na itinataguyod ng sikat na showbiz personality at talent manager na si Ogie Diaz sa pamamagitan ng itinatag nitong Kasuso Foundation.
Quaterly ay nagsasagawa si Ogie at Kasuso Foundation ng Christmas party at get together para sa breast cancer warriors. Iyan ang kahanga-hanga sa Kasuso Foundation dahil hindi lang tuwing panahon ng Kapaskuhan sila nagpapa-Christmas party kundi tuwing tatlong buwan o quarterly.
Kabilang si Ms. Rhea at Beautederm sa mga aktibong tumutulong sa Kasuso Foundation.
Kaya naman nitong Linggo, Marso 10, ay present muli si Ms. Rhea sa quarterly Christmas party ng Kasuso Foundation kasama ang Beautederm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Alex Castro, Sunshine Garcia, Kitkat, DJ JhaiHo, Gillian Vicencio, Kimson Tan, Thou Reyes, Alynna Velasquez, Ynez Veneracion, Anne Feo, Teri Onor, at Darla Sauler.
Ayon nga sa Facebook post ni Ms. Rhea, "Maraming Maraming Salamat sa aking mga Babies for spending Sunday with
Kasuso Foundation Beautéderm !!
Marami po tayong pusong napasaya at napangiti. #priceless 🥹🙏 till Next Christmas Party!! I love you all! 🫠"
Hinikayat din ni Ms. Rhea ang mga tao na suportahan ang Kasuso Foundation sa pagtulong sa breast cancer warriors. Aniya, "Quarterly Christmas Event
Kasuso Foundation 🫠❤️ Beautéderm
"Thank you again Mama O! Ogie Diaz 🥰
"Pwede nyo po kami samahan pasayahin ang ating mga Breast Cancer Warriors.
You can DM me po 🫠 thank you! God Bless us !
"Wag po tayo mapagod Magmahal at tumulong ❤️"
Bukod sa pagiging sikat na business magnate sa larangan ng skincare at health and beauty, kilala rin si Beautederm CEO Rhea Tan sa pagiging generous at pagtulong sa iba't ibang charitable institutions at foundations.
Comments
Post a Comment