Gelli, Sherilyn, Patricia, at Rep. Wilbert Lee excited na sa pag-ere ng "Si Manoy Ang Ninong Ko" simula sa Marso 3

ni GLEN P. SIBONGA



Excited na sina Gelli de Belen, Sherilyn Reyes-Tan, Patricia Tumulak, at Agri Party-list Rep. Wilbert "Manoy" Lee - ang mga host ng “Si Manoy Ang Ninong Ko” dahil magsisimula nang umere ang naturang bagong public service program sa Linggo, March 3, sa GMA-7.

Handog ng “Si Manoy Ang Ninong Ko” ang mga kwento ng pag-asa, katatagan, at modern day “bayanihan” tuwing Linggo ng umaga.

Ayon nga sa dating businessman at ngayo'y public servant na si Manoy Wilbert, tampok sa “Si Manoy Ang Ninong Ko” ang mga “tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na hindi tayo mawalan ng pag-asa.

“Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.”

Pagbabahagi naman ng magaling na aktres na si Gelli, “Iyong mga problema nila na kailangan nila ng tulong, hindi siya 'yung usual na kailangan ng pera o pagkain, ang kailangan talaga nila ay ang makakatulong sa mga trabahong ginagawa na nila.”

Linggo-linggo, dalawang beneficiaries ang itatampok ng programa at personal na pupuntahan ng hosts para kapanayamin at harapang alamin ang kanilang mga hinaing.

“Sometimes they just want to be seen and heard. Yung marinig lang natin ay malaking bagay at tulong na para sa kanila. Pero syempre di tayo hihinto riyan. Mabusisi nating aaralin ang bawat sitwasyon at susubukan nating bigyan ito ng pangmatagalang mga solusyon,” sabi ni Patricia

Idiniin din ni Sherilyn na, “Hindi lang natin sino-solve ang problema nila at the moment, binibigyan din natin sila ng hope at chance na itaguyod ang kanilang pamilya o sarili nila. Kumbaga long term talaga at hindi kung ano lang yung mabigay ngayon iyon na.”

Sa darating na pilot episode nito, pakikinggan at tutulungan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.

Mapapanood ang “Si Manoy Ang Ninong Ko” tuwing Linggo, 7 AM, sa GMA-7 simula ngayong Marso 3. Para sa updates, i-follow ang @simanoyangninongko sa Facebook o ang @AngNinongKo sa Tiktok at Instagram.







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies