Direk Jun Lana panibagong obra ang "Your Mother's Son;" Tuwang-tuwa sa magagandang feedback sa press preview
ni GLEN P. SIBONGA
Mapalad kami na mapabilang sa mga press na unang nakapanood sa bagong pelikula ni Direk Jun Robles Lana, ang "Your Mother's Son," sa ginanap na press preview at mediacon ng pelikula sa Gateway 2 Cineplex 17 nitong Huwebes, Marso 21.
Matapos maipalabas ang "Your Mother's Son" sa mga international film festivals sa Toronto, Tallinn, at Taipei, finally magkakaroon na ito ng Philippine premiere sa April 12 bilang Opening Film ng "ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival" na gaganapin sa Gateway Cinemas mula April 12 hanggang April 14, 2024.
Pagkatapos naming mapanood sa press preview, masasabi naming panibagong obra ni Direk Jun at ng The IdeaFirst Company ang "Your Mother's Son." Napakahusay ng pagkagawa at pagkukuwento. Bukod sa galing sa pag-arte, hinangaan namin ang tapang ng mga pangunahing artista sa pelikula na sina Sue Prado, Kokoy de Santos, Miggy Jimenez, at Elora Españo sa kanilang maraming daring scenes. Ayoko ng spoiler pero may mga eksenang talagang ikina-shock ng buong katauhan namin. Kaya dapat niyong panoorin ito sa April 12 sa Gateway Cinemas.
Tuwang-tuwa nga si Direk Jun sa magagandang feedback sa press preview na natanggap niya ukol sa pelikula at sa cast nito.
"Tuwang-tuwa ako kasi ang goal ko naman lagi ay gumawa ng pelikula for the Filipino audience. So, to have this screening although it's a press preview at hindi pa ito yung premiere night, it have Filipino audience appreciating the film napakalaking bagay sa akin nun," sabi ni Direk Jun nang makapanayam namin siya.
Bumilib din si Direk Jun sa buong cast lalo na kina Sue, Kokoy, Miggy, at Elora.
"Kitang-kita naman sa pelikula kung gaano yung ibinigay na commitment at tapang ng mga artista. Nakakatuwa na na-appreciate sila ng nga taong nanood ngayon," ayon pa sa award-winning director.
Present din sa press preview si Direk Perci Intalan ng IdeaFirst na tumayong producer ng "Your Mother's Son."
Bukod sa "Your Mother's Son" na mapapanood sa Gateway 2 Cineplex 11 sa April 12, tampok din sa "ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival" ang mga pelikulang "Anino Sa Likod ng Buwan," "Dementia," "Untrue," "Ang Manananggal sa Unit 23B," "Mahal Kita, Beksman," "Big Night," "Sleepless," "Distance," "Ang Dalawang Mrs. Reyes," "I America," "Gameboys The Movie," "Mr. And Mrs. Cruz," "About Us But Not About Us," at "Die Beautiful."
Para sa screening schedules pumunta lang sa Facebook page ng The IdeaFirst Company at sa iba pa nitong social media accounts.
Happy 10 years, The IdeaFirst Company, Direk Jun Robles Lana, at Direk Perci Intalan!
Comments
Post a Comment