PMPC Team Building sa Hacienda Isabella matagumpay at masaya

ni GLEN P. SIBONGA


Matagumpay at masaya ang ginanap na team building ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite nitong Marso 19 at 20.

Napuno ng galak ang officers at members ng PMPC sa masayang bonding na magkakasamang kumain at pagsali sa mga palaro.

Nag-enjoy din ang grupo sa magagandang artworks at antique collections ng may-ari ng Hacienda Isabella na si Pop Diva Kuh Ledesma.

Tila nag-nature tripping din ang lahat sa napakaraming mga halaman, puno, at kaakit-akit na mga bulaklak sa buong paligid na talaga namang nakaka-relax at ika nga ay instagrammable ang lugar. Patok ito sa pagse-selfie at paggawa ng reels pati na rin sa pagba-vlog.

Kaya naman lubos na nagpapasalamat ang buong pamumuan ng PMPC at mga miyembro nito kay Ms. Kuh Ledesma at sa mga staff ng Hacienda Isabella sa mainit na pagtanggap at pag-aalaga sa grupo.

Nagpapasalamat din ang PMPC sa lahat ng mga sponsor na sumuporta at tumulong upang maging matagumpay at masaya ang team building ng grupo na kinabibilangan nina Sen. Bong Revilla, Boy Abunda, Councilor Alfred Vargas, Harvey Bautista at Tates Gana, Sylvia Sanchez, Alden Richards, Cecille Bravo, Maribel Aunor, Direk Vince Tañada, Councilor Aiko Melendez, Manilyn Reynes, Glenda Garcia, Laarni Lozada, Emily Marin, Jos Garcia, Talents Academy, Mommy Flor Santos, Bryan Dy at Mentorque Productions, Direk Perci Intalan at The IdeaFirst Company, Direk Romm Burlat, Melissa Mendez, Music Reinforce  Lights & Sounds, Mr. Gisio See, Atty. Rey Bergado of InnerVoices Band, Klinton Start, May at Jhassy Busran, Malo Cruz, Yoliesil Pontino,  Marianne Bermundo, Rhea Anicoche Tan at Beautederm.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies