Kim Chiu at Paulo Avelino magpapakilig sa Pinoy adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim" simula sa Marso 18 sa Viu

ni GLEN P. SIBONGA


Umaapaw na kilig at ‘tatak Pinoy’ ang ibibida nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula sa Marso 18.

Ibinahagi ni Kim na makaka-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Pilipino.

"As proud Pinoy, maraming nilagay ang mga writers namin and everyone involved sa paggawa ng 'Secretary Kim' the Philippine version. Maraming Filipino touch such as family oriented or 'yung mga more comedy side. Actually kapag pinanood mo siya side by side, medyo parehas siya [sa Korean counterpart]. Pero 'yung story namin is more Filipino and mas makaka-relate 'yung karamihan," sabi ni Kim sa mediacon para sa serye.

“There’s always pressure whenever you do an adaptation. But what we did was to stick to the script and be true to our culture to show how well we can do it as Filipinos,” dagdag pa ni Paulo. 

Ipamamalas din ng tambalang KimPau ang kanilang pangmalakasang chemistry dahil siksik sa kilig at good vibes ang mapapanood sa kauna-unahan nilang romcom serye bilang ang kanilang mga karakter na sina Secretary Kim (Kim) at Brandon Manansala Castillo o BMC (Paulo).

“This one’s really different. Kung naghahanap kayo ng magpapasaya, magpapatawa, at magpapakilig sa inyo, ito ‘yung palabas na dapat niyong subaybayan. Coming from very heavy and serious characters, I'm happy to be given a chance to play a role like this. Nakaka-excite,” ani Paulo.

Kwento pa ni Kim, "It's a combination of kilig, romance, family, friendship, about ambition and dreams. After watching the show, feel-good lang. Something to smile about. We promised them na hindi sila mabibigo."

Mula sa direksyon ni Chad V. Vidanes, sinusundan ng “What’s Wrong With Secretary Kim” ang kwento ng mahusay na sektretarya na si Secretary Kim at ang perpekto niyang boss na si BMC. Unti-unti nilang madidiskubre na inlove sila sa isa’t isa nang biglang mag-resign si Secretary Kim mula sa kanyang posisyon. 

Kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Kim Won Shik. 

Eksklusibong mapapanood ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa Viu simula Marso 18 kapag i-download ang Viu app o bisitahin ang www.viu.com.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies