"Barangay Singko Panalo" umarangkada na sa pamimigay ng papremyo at saya

ni GLEN P. SIBONGA


Umarangkada na sa pamimigay ng papremyo at saya ang bagong game show ng TV5 na "Barangay Singko Panalo" simula nitong Lunes, Marso 11.

Full of energy sina Jerald Napoles at Kayla Rivera, ang hosts ng "Barangay Singko Panalo," na isang original game show ng TV5 na may halong sitcom elements na hango sa daily lives ng mga Pinoy at binibigyan ang mga players ng pagkakataong manalo hanggang P100,000 araw-araw. 

Sa bawat episode ng Barangay Singko Panalo, may mga problema at scenarios ang haharapin ng mga barangay contestants. Magiging unpredictable ang mga challenges sa bawat round at mula sa limang players, isa lang ang maaaring makasama sa jackpot round para manalo ng cash prize up to P100,000.

Sayang nga lang at hindi nakuha ng last player standing na si Ace, isang Zumba instructor, ang jackpot prize kahit pa nga binawasan na ang timbang ng coins na dapat niyang mahakot. Mula sa bigat na 15 kilos ay ginawa munang 10 kilos ang dapat na mahakot na coins ng player sa pilot week ng show. Nakapag-uwi pa rin si Ace ng premyong P10,000.

Nakakaaliw na hinaluan ng sitcom elements ang show at nakaka-excite ang panonood sa games na nilalaro ng players.

Kaya sumali na sa araw-araw na excitement na hatid ng "Barangay Singko Panalo" mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30pm, sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5. 







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies