"Barangay Singko Panalo" ng TV5 maghahatid ng saya at papremyo simula Marso 11

ni GLEN P. SIBONGA


Simula sa Marso 11, mas magiging exciting ang primetime ng mga Kapatid viewers dahil sa bagong programang hatid ng TV5, ang "Barangay Singko Panalo" sa ilalim ng produksyon ng The IdeaFirst Company. Ito ay isang original game show ng TV5 na may halong sitcom elements na hango sa daily lives ng mga Pinoy at binibigyan ang mga players ng pagkakataong manalo hanggang P100,000 araw araw. 

Pinangungunahan ni Kagawad Je (Jerald Napoles) at ang magandang SK Kayla (Kayla Rivera), kasama si Kap Al na si Ej Gonzaga at iba pang mga kasama sa Barangay Singko, tiyak na magiging paboritong libangan ng lahat ang "Barangay Singko Panalo" araw-araw.

Sa bawat episode ng "Barangay Singko Panalo," may mga problema at scenarios ang haharapin ng mga barangay contestants. Magiging unpredictable ang mga challenges sa bawat round at mula sa limang players, isa lang ang maaaring makasama sa jackpot round para manalo ng cash prize up to P100,000.

Hangad ng bagong game show na makilahok ang lahat ng barangay sa buong bansa sa pamamagitan ng saya, premyo, at mga sorpresa na tiyak na magbibigay-kulay sa buhay ng bawat isa. Sa nakakaaliw na tambalan nina Kagawad Je at SK Kyla, ang mga manonood ay paniguradong hahanap-hanapin ang kasiyahan sa mga challenges at kaganapan kada episode.

Sumali na sa araw-araw na excitement na hatid ng "Barangay Singko Panalo" simula Marso 11, Lunes hanggang Biyernes, 5:30pm sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5. Para sa karagdagang impormasyon at updates, ifollow ang official social media pages ng TV5 sa Facebook, Instagram, X app at YouTube o bisitahin ang kanilang website sa www.tv5.com.ph.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies