Birth certificate ng IVF baby ni transman Aian Lazaro kinukuwestiyon

ni GLEN P. SIBONGA



KONTROBERSIYAL ang latest content ng vlogger na si Makagago tungkol sa transman na si Aian Lazaro, na ang tunay na pangalan ay Vivian Marie Lazaro.

Si Aian ay isang transgender man na nauna nang nagbahagi ng kanyang kuwento sa mga panayam niya kay Karen Davila at maging sa "Eat Bulaga." 

Ayon sa kanya, nagkaroon sila ng anak ng kanyang partner na si Apple sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF), at sinabi rin nilang milyon-milyong piso ang kanilang nagastos para rito. May tatlong anak sina Aian at Apple, ang panganay nilang babae at kambal na mga lalaki.

Sa bagong content ni Makagago, may lumabas na mga alegasyon na may isa umanong tao na tumulong sa pagpopondo ng kanilang IVF. Gayunpaman, wala pang opisyal na ebidensiyang inilalabas sa publiko na nagpapatunay sa pahayag na ito.

Ang isa pang isyung lumalabas ngayon ay ang umano'y nakasaad sa birth certificate ng kanilang panganay na anak, na si Aian ang.naka-register na "mother" at walang nakatalang ama. 

Gayung sabi ng isang source, si Apple umano ang aktuwal na nagbuntis at nanganak sa bata. 

Ang pangyayaring ito ay ikinuwento rin ni Aian sa kanyang guesting sa "Eat Bulaga," kung saan sinabi niyang hinarvest ang egg cell niya at kumuha sila ng sperm donor. Nang matagumpay na nabuo ang embryo ay inilagay ito sa sinapupunan ni Apple, na siyang nag-conceive hanggang sa ipanganak ang bata.

Dahil dito, kinukuwestiyon kung tama ba ang mga impormasyong nakasaad sa birth certificate ng anak nila at kung nasunod ba ang lahat ng umiiral na batas at regulasyon sa proseso ng IVF at sa pagrerehistro ng kapanganakan.

Kung mapapatunayang may maling impormasyon sa isang pampublikong dokumento, maaari itong maging usaping legal. 
May pananagutan kaya dito ang isang malaking ospital sa Makati at ang dalawang sikat na IVF doctors?

Gayundin, kung may paglabag sa mga umiiral na regulasyon sa reproductive medicine, maaaring masuri rin ang naging papel ng mga sangkot na institusyon at propesyonal gaya ng ospital at mga doktor na nagpaanak kay Apple at pumirma sa birth certificate.

Ngunit ang lahat ng ito ay nakasalalay sa magiging resulta ng anumang opisyal na imbestigasyon.

Sa ngayon, mahalagang iwasan muna ang paghuhusga hangga't wala pang pinal na desisyon o opisyal na pahayag mula sa mga kinauukulang awtoridad.




Ang umanong birth certificate 
ng anak nina Aian at Apple 
na kinukuwestiyon

Comments

Popular posts from this blog

Beautederm CEO Rhea Tan mamimigay ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family