Andrew E. nagdiwang ng birthday kasabay ng launching ng bagong single niyang "Pasta"
ni GLEN P. SIBONGA
BONGGA ang selebrasyon ng ika-59 kaarawan ng King of Rap na si Andrew E. dahil isinabay niya sa kanyang birthday salubong ang launching ng latest single niyang "Pasta" sa G Side Night Club sa Tomas Morato, Quezon City.
Sa pagpatak ng alas dose ng madaling araw ng July 30, pagkatapos ng birthday song ay ipinagmamalaking ipakilala ni Andrew ang bagong awitin niyang "Pasta."
Siguradong another hit song ito para kay Andrew dahil kaagad pumatok ang "Pasta" sa mga bisita niya sa kanyang birthday party na kahit first time mong marinig ay talaga namang madadala ka sa groove ng kanta, mapapasabay ka sa catchy lyrics, at syempre mapapahataw ka sa signature Andrew E. beat ng kanta.
Ayon nga kay Andrew, "Welcome back to me!" Matagal-tagal na rin kasi noong huli siyang maglabas ng kanta. At pasabog naman ang pagbabalik niya sa latest single niyang "Pasta."
Siyempre nakipag-celebrate sa birthday ni Andrew at sumuporta sa bagong niyang kanta ang kanyang mahal na misis na si Mylene Espiritu kasama ang kanilang mga anak.
Present din sa party ang celebrity friends ni Andrew gaya nina Sam Verzosa kasama si Faith da Silva, Jeffrey Tam, Eric Nicolas, at iba pa. Dumalo rin ang mga kapatid niya sa Dongalo Records at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya kasama na ang kanyang media friends.
Bongga ang 2026 ni Andrew dahil bago ang birthday niya at launching ng "Pasta" ay nauna na siyang nakatanggap ng espesyal na regalo nang parangalan siya ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award sa 17th PMPC Star Awards for Music noong June 25 dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa industriya ng musika partikular sa genre ng rap.





Comments
Post a Comment