Dwayne Garcia thankful sa sunud-sunod na blessings; Panalo na sa Star Awards for Music kasama pa sa pelikulang "#Uploading"

ni GLEN P. SIBONGA

PUNO ng pasasalamat si Dwayne Garcia dahil sa sunud-sunod na blessings na natatanggap niya. Nanalo na siya sa Star Awards for Music kamakailan, tapos kasama pa siya sa cast ng pelikulang "#Uploading."


Personal na tinanggap ni Dwayne ang kanyang award bilang New Male Recording Artist of the Year sa 17th Star Awards for Music ng PMPC Star Awards Inc. noong June 25 sa Teatrino Promenade Greenhills. Nagwagi si Dwayne para sa single niyang “Taym Perst Muna” under Star Music and composed by award-winning composer and director Joven Tan.


Nag-post din si Dwayne ng pasasalamat sa kanyang Facebook account. Aniya, "Grabe. So honored and grateful for this, PMPC. Thank you for recognizing new artists like me.


"Direk Joven Tan , thank you po for Taym Perst Muna. 

And to Star Music and Sir Jonathan Manalo, thank you for the opportunity and for believing.


"To my family and friends thank you for always being there. Kayo talaga yung lakas ko. 

And to everyone who listened and supported the song, this is for you. Maraming salamat. 


"Most of all, thank you God Almighty. Lahat ng ‘to ay para sa Inyo 🙏"


Bukod sa tagumpay na ito sa kanyang music career, unti-unti na ring gumagawa ng pangalan si Dwayne sa larangan ng pag-arte.


Ipinagmamalaki nga niya na napabilang siya sa cast ng bagong pelikulang "#Uploading," isang makabuluhang proyekto na tumatalakay sa mga pangarap, pagsubok, at realidad ng buhay sa makabagong panahon.


Happy si Dwayne na nakasama niya sa naturang pelikula ang ilan sa mga pinakasikat na personalidad na nakilala sa iba’t ibang edisyon ng sikat na Bahay ni Kuya, dahilan upang maging mas kapana-panabik ang proyektong ito para sa kanilang mga tagahanga.


Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang pelikula ang dating Pinoy Big Brother housemates na sina Zeus Collins, Dawn Chang, Aljon Mendoza, Eliza Borromeo, at Dylan Yturalde, na pawang nag-iwan ng marka sa loob ng Bahay ni Kuya. 


Mas lalo pang pinatatag ang cast ng pelikula sa paglahok ng mga batikang aktor at personalidad tulad nina Irma Adlawan, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, at ng social media sensation na si Bernie Batin, na mas kilala bilang ang “pinakamasungit na tindera sa balat ng social media.”


Higit pa sa mga madadramang eksena, ang "#Uploading" ay isang kuwentong sumasalamin sa pag-asa, determinasyon, at katatagan ng bawat taong nagsisikap makamit ang kanilang mga pangarap sa kabila ng iba’t ibang hamon ng buhay. Layunin nitong magbigay ng inspirasyon at mahahalagang aral sa mga manonood, lalo na sa mga kabataan, kaya’t ipapalabas ito sa iba’t ibang paaralan at piling sinehan sa buong bansa.


Ang "#Uploading" ang kauna-unahang handog sa pelikula ng Red Concept Events Management Services, isang kumpanyang nagsisimula nang gumawa ng makabuluhang ambag sa industriya ng pelikula. Pinamunuan ito ng premyadong direktor na si Joven Tan, na kamakailan lamang ay pinarangalan bilang Joe Quirino Awardee sa ika-9 na The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa Philippine cinema.


Sa pagsasanib ng mahuhusay na artista, napapanahong kuwento, at mahusay na direksyon, inaasahang magiging isa ang "#Uploading" sa mga pelikulang hindi lamang magbibigay-aliw kundi mag-iiwan din ng makabuluhang mensahe at inspirasyon sa bawat manonood.


Wish ni Dwayne na sana ay suportahan ng mga manonood ang pelikula nilang "#Uploading" at patuloy rin siyang suportahan ng mga tao sa kanyang singing career.




The cast of #Uploading


Comments

Popular posts from this blog

Beautederm CEO Rhea Tan mamimigay ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family