Vice Ganda, Vic Sotto sanib-pwersa sa pelikulang "The Greatest Showdown"

ni GLEN P. SIBONGA

MAGSASANIB-PWERSA sa unang pagkakataon sa isang pelikula ang dalawang Box-Office Royalties na sina Unkabogable Superstar Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa “The Greatest Showdown,” mula sa direksyon ni Jun Robles Lana at mapapanood ngayong 2026. 


Mainit ang naging pagtanggap ng fans sa pagsasama ng dalawang box office stars matapos i-anunsyo mismo nina Vice at Vic na nais nilang magbigay saya at katatawanan sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pelikula.


“Kailangan namin magsanib-pwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa,” pahayag ni Vice tungkol sa pelikula.


Dagdag pa ni Vic, “Ang pelikulang ito ay magbibigay ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo. Sinisiguro rin namin na marami kayong mapupulot na aral.”


Samantala, nagbigay aliw rin sa mga manonood sa new movie alert launch ang palitan ng pagbati nina Vice at Vic sa supporters ng kanilang kinabibilangang noontime shows.


"What's up Dabarkads!" pagbati ni Vice sa supporters ng "Eat Bulaga."


Sinundan naman ito ni Vic ng, "Hi Madlang Pipol!" bilang pagbati sa supporters ng "It's Showtime."


Kaya naman asahan din ang sanib-pwersa ng Dabarkads at Madlang Pipol para suportahan at panoorin ang unang pagtatambal nina Vice at Vic sa pelikula.


Ang “The Greatest Showdown” ang nagsisilbing unang kolaborasyon nina Vice at Vic at ipo-produce ito ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions, at APT Entertainment.




Comments

Popular posts from this blog

Beautederm CEO Rhea Tan mamimigay ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family