Posts

Showing posts from June, 2024

Dingdong Dantes pinangunahan ang AKTOR PH sa pagsusulong ng nominasyon ni Vilma Santos para sa National Artist Award

Image
ni GLEN P. SIBONGA PINANGUNAHAN ng award-winning actor na si Dingdong Dantes ang grupo ng mga artistang Pinoy, ang AKTOR PH , sa pagsusulong ng nominasyon ni Star For All Seasons Vilma Santos para sa prestihiyosong National Artist Award . Sa mediacon na ginanap nitong Biyernes, June 28, sa Sampaguita Hall ng Manila Hotel, ipinaliwanag ni Dingdong kung paano sila nagkaisa ng mga kapwa niya artista para bigyang-pugay ang mahigit sa anim na dekadang kontribusyon ni Ate Vi sa Philippine cinema sa pamamagitan ng nominasyon para sa National Artist Award. "Ang AKTOR ay isa lamang sa maraming organisasyon na nagtutulak para sa nominasyon ni Vilma Santos. Siguro nagkataon at naging maganda yung timing dahil nagkaroon kami ng second general assembly kamakailan. Siyempre we were discussing yung mga programs at kung ano yung mga gagawin namin in the future. And nakuha namin yung balita na mayroong namumuong movement. We were just so fortunate to be a part of that movement.  "So, we di

Barbie Forteza at David Licauco level-up ang love team sa "That Kind of Love"

Image
ni GLEN P. SIBONGA AMINADO sina Barbie Forteza at David Licauco na nag-level-up ang love team nilang BarDa mula sa pinagsamahan nilang mga teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" at "Maging Sino Ka Man" hanggang sa kauna-unahan nilang pelikulang " That Kind of Love ," na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa July 10. Ayon nga kay Barbie, "Nag-level-up po talaga. Yung sophistication ng acting, yung maturity. Yung styling namin, di ba, kita niyo naman very close sa K-Drama (Korean Drama). Even yung  approach namin sa characters namin, eto yung pinaka-sophisticated na role na ibinigay sa akin. Kahit yung hitsura ko, iniba namin, pinadalaga namin.  "Sa akin kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito, di ba? Kaya naman in return pina-level up din namin yung approach sa pelikulang ito. Yung pampelikula talaga, hindi lang pang-TV. Yung worth it sa ibabayad ng mga tao." Sumang-ayon naman si David sa naging paliwanag ni Barbie. Dag

Cassy, Ervic, JhaiHo, Darla nag-enjoy sa pagtitinda ng Beautederm products sa Gateway Mall

Image
ni GLEN P. SIBONGA NAG-ENJOY ang Beautederm ambassadors na sina Cassy Legaspi, Ervic Vijandre, DJ JhaiHo, at Darla Sauler sa pagtitinda ng Beautederm products sa Gateway Mall branch noong June 21. Sila ang naatasang maging beauty consultants/tindera-for-a-day sa Beautederm kiosk sa Gateway, na pag-aari ni Ms. Korina Sanchez-Roxas . Present sa event si Ms. Korina at kasama pa niya ang mga anak na sina Pepe at Pilar . Kasama si Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan , masayang nasaksihan ni Ms. Korina ang masipag na pagbebenta nina Cassy, Ervic, DJ JhaiHo, at Darla. In fairness, ang dami nilang nabenta lalo pa nga't buy one, take one ang ilang produkto gaya ng Papaine Soap, Ultralite Soap, at Oatmeal Soap. Naging memorable naman para kay Cassy ang kauna-unahan niyang karanasan na maging tindera o saleslady. "Super saya and super exciting. Even before gusto ko talagang ma-experience na maging seller kahit sa online o even sa ganitong kiosk. Natupad na yung dream ko," bulalas n

Belle, Maris, Loisa - Sino ang mapipiling endorser ni Belle Blush & Glow CEO Maribel Vitales?

Image
ni GLEN P. SIBONGA MATAPOS ang matagumpay na launching ng Belle Blush & Glow Skin Essentials sa Alta Guia Events Place sa Taguig City noong June 19, sunod namang tina-target ng CEO nito na si Maribel Vitales ang pagpili ng celebrity endorser ng kanyang skincare brand. Aminado nga si Ms. Maribel na may ilang celebrities nang nasa isip niya para maging endorser ng Belle Blush & Glow. "Yes, meron na kaming pinagpipilian. Una na riyan si Belle Mariano . Gandang-ganda kasi ako sa batang iyan. And I can see that she is a good role model sa mga kabataan. "Sabi naman ng mga pamangkin ko, pwede rin daw sina Maris Racal and Loisa Andalio , both beautiful ladies as well and very talented too. So, tignan natin. We are going to have another big event to launch our celebrity endorser," sabi ni Ms. Maribel nang makausap namin siya sa launch ng Belle Blush & Glow. Isasama na rin ni Ms. Maribel sa kanyang endorsers ang dancer-actress-host na si Regine Tolentino dahil mata

David Foster napa-wow sa “All By Myself” rendition ni Stell

Image
ni GLEN P. SIBONGA MASIGABONG palakpakan at hiyawan ang dumagundong sa Smart Araneta Coliseum noong Hunyo 18 matapos ang pasabog na on-the-spot performance na hatid ni Stell Ajero ng SB19 sa Hitman: David Foster & Friends Asia Tour 2024 . Personal kong nasaksihan ang espesyal na moment na ito ni Stell matapos akong isama sa concert ng aking kaibigan at kasamahan sa panulat na si Alwin Ignacio. Thank you my friend. Maraming salamat din sa media.Xchange PR team at sa MQ Live sa pagbibigay ng patron tickets sa amin kaya maganda ang pwesto namin sa panonood. Initially, ang alam ng mga audience kasama na kami ay opening performance lang si Stell pero unexpected ang pagtawag sa kanya ulit ni David Foster para kantahin ang pinakamataas na kanta ni Celine Dion na “All By Myself.” Take note, impromptu performance pa it o ha! Ito tuloy ang naging pinaka-highlight sa concert buong gabi dahil inabot at kinaya ni Stell ang notang kahit ang Queen of Pop na sa Celine Dion ay nahirapan. Chinika

Rhea Tan magbibigay ng bonggang papremyo sa mananalong Binibining Beautederm sa Bb. Pilipinas 2024

Image
ni GLEN P. SIBONGA INANUNSIYO ng Beautederm founder at CEO na si Rhea Anicoche Tan  na ang makakasungkit ng Binibining Beautéderm title ay mag-uuwi ng bonggang papremyong P500,000 worth of Beautéderm products para sa negosyo at P150,000 cash sa coronation night.   "For the Binibining Beautéderm title, we want a proud Binibini who is aspirational, confident, and has a heart for others. We cannot wait to crown the Binibining Beautéderm on the coronation night," pagbabahagi ni Ms. Rhea. Ang special award na ito na ibibigay ng Beautederm ay bahagi ng panibagong partnership ng naturang leading beauty and skincare brand sa Binibining Pilipinas organization matapos ang kanilang matagumpay na pagsasama noong isang taon. Sa pangalawang taon, ang Beautederm muli ang official skincare partner ng Bb. Pilipinas.   Noong June 14 proud na sinalubong ni Ms. Rhea ang 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mg

Beautederm CEO Rhea Tan pinagtibay ang partnership sa Bb. Pilipinas; Mga kandidata na-inspire sa success story niya

Image
ni GLEN P. SIBONGA   MASAYANG inanunsiyo ng Beautederm founder at CEO na si Rhea Anicoche Tan ang panibagong partnership sa Binibining Pilipinas organization matapos ang kanilang matagumpay na pagsasama noong isang taon. Sa pangalawang taon, ang Beautederm muli ang official skincare partner ng Bb. Pilipinas.   Proud na sinalubong ni Ms. Rhea ang 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters nitong Friday, June 14, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mga kababaihan sa entrepreneurship at self-care.   “I hope this partnership will inspire and empower Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin, and whatever career path they choose to be in," saad ng Beautéderm boss.   Dagdag ni Ms. Rhea, “Binibining Pilipinas organization has been helping women for so many years. I’m grateful for this partnership, celebrating talented, smart, and beautiful Filipinas. These young women may find inspiration and learnings f

SB19 nagpamalas ng husay pati pagmamahal sa Pilipinas sa MEGA Ball 2024

Image
ni GLEN P. SIBONGA TRENDING na naman ang Kings of P-Pop na SB19 matapos nilang magpamalas ng husay pati na rin ng pagmamahal sa Pilipinas sa MEGA Ball 2024 na itinaon sa selebrasyon ng Independence Day ng bansa. Inawit ng SB19 sa annual Mega Ball ang " O Bayan Ko ," na original composition ng National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab . Sa isang interview, nagpapasalamat at natutuwa ang SB19 - na binubuo nina Pablo, Stell, Felip (Ken), Josh, at Justin - sa espesyal na oportunidad na ito. Ayon nga kay Stell, "Sobrang laking pasalamat lang po na binigyan kami ng ganitong klaseng oportunidad na hindi lang po maipakita ang suporta namin sa ganitong klaseng event but also to showcase our skills din po. “Nakakatuwa rin po yung tiwala nila sa amin to sing this kind of song. Sobrang laking bagay nu'n for us. Sana nabigyan namin ng hustisya yung performance namin tonight. And of course we're happy and always happy sa mga taong patuloy na sumusuporta and nagb

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

Image
ni GLEN P. SIBONGA KAABANG-ABANG kung sino sa apat na movie queens na magsasabong - sina Star for All Seasons Vilma Santos (When I Met You In Tokyo),  Megastar Sharon Cuneta (Family Of Two), Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother's Eyes), at Superstar Nora Aunor (Pieta) - ang tatanghaling Movie Actress of the Year sa 40th Star Awards for Movies ng PMPC. First time mangyayari sa Star Awards for Movies sa loob ng 40 taon ng pagbibigay ng parangal na magkakasabay na nominado para sa Movie Actress of the Year sina Vilma, Sharon, Maricel, at Nora kaya matinding bakbakan ito. O baka naman posibleng masilat pa ang parangal ng iba pang nominadong aktres na kinabibilangan nina Gina Alajar (Monday First Screening), Ai-Ai delas Alas (Litrato), Alessandra De Rossi (What If), Gladys Reyes (Apag), Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), at Marian Rivera (Rewind). Maglalaban naman para sa Movie Actor of the Year sina Christopher De Leon (When I Met You In Tokyo), Dingdong Dantes (Rewind), P

Carlo Aquino at Charlie Dizon ikinasal na!

Image
ni GLEN P. SIBONGA IKINASAL na ang Kapamilya stars na sina Carlo Aquino at  Charlie Dizon ngayong Linggo, June 9, sa isang private resort sa Silang, Cavite. Kabilang sa principal sponsors sa garden wedding ceremony sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Vilma Santos-Recto, Veronique del Rosario-Corpuz of Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, Sylvia Sanchez, Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan, Senator Bong Revilla and his wife Cong. Lani Mercado. Si Sue Ramirez ang maid of honor, habang kabilang sa bridesmaids sina Belle Mariano at Kaila Estrada. Kasama naman sa groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista. Si Loisa Andalio ang candle bearer, si Elisse Joson sa veil at si Alexa Ilacad sa cord. Ang tatlong aktres ay nakatrabaho ni Charlie sa seryeng "Pira-Pirasong Paraiso." (Carlo & Charlie Photos from Ms. Thess Gubi's Instagram Stories)

Miles Ocampo pag-aagawan nina Joao at Jameson

Image
ni GLEN P. SIBONGA BONGGA ni Miles Ocampo dahil pag-aagawan siya ng dalawang leadingmen niya - sina Joao Constancia at Jameson Blake - sa kanyang pinagbibidahang serye sa TV5 na " Padyak Princess ." Bagama't may pag-aagawang magaganap, nag-enjoy naman sina Joao at Jameson na katrabaho si Miles. Puring-puri nga ng dalawang aktor si Miles. Ayon kay Joao sa pakikipagtrabaho niya sa aktres, "Sobrang gaan niyang katrabaho. She's so professional na e, kaya sa kahit anong eksena namin sobrang galing talaga niya." Gaganap si Joao bilang kababata at kaibigan ni Miles sa istorya at later on ay magiging love interest ng dalaga. Inilahad naman ni Jameson ang para sa kanya ay best thing about Miles. "The best thing about Miles Ocampo, she is herself. She does not fake herself. I like her professionalism. She's polite and very nice to me also.  "Nagkatrabaho na kami dati but we didn't really get to bond that much sa 'Home Sweetie Home.' This t

Miles Ocampo bidang-bida na sa "Padyak Princess" ng TV5

Image
ni GLEN P. SIBONGA HANDA nang sumabak ang Noontime Princess ng TV5 na si Miles Ocampo para sa mas malalaki at mas challenging na mga proyekto ngayong taon. Kasama na rito ang kanyang pagiging bida sa sariling TV series, ang " Padyak Princess ,"   na mapapanood na simula ngayong Lunes, Hunyo 10, sa TV5. Sa mediacon ng "Padyak Princess" hindi maiwasang maging emosyonal ni Miles dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya para pagbidahan ang naturang serye. "Nung prinisent po sa akin ito, naiyak po talaga ako. Sabi ko, 'Sure po ba kayo? Talaga?' Pero maraming-maraming salamat po sa TV5, sa APT Entertainment, and Cignal na ipinagkatiwala niyo po sa akin ang napakalaking project na ito," naiiyak na sabi ni Miles. Gagampanan ni Miles ang role ni Princess, isang charming at determinadong babae na nangangarap iligtas ang reputasyon ng kanyang pamilya at ibalik ang golden years ng kanilang Barangay Singko. Maraming pagsubok ang haharapin ni Princess kung saan map