Miles Ocampo pag-aagawan nina Joao at Jameson

ni GLEN P. SIBONGA


BONGGA ni Miles Ocampo dahil pag-aagawan siya ng dalawang leadingmen niya - sina Joao Constancia at Jameson Blake - sa kanyang pinagbibidahang serye sa TV5 na "Padyak Princess."

Bagama't may pag-aagawang magaganap, nag-enjoy naman sina Joao at Jameson na katrabaho si Miles. Puring-puri nga ng dalawang aktor si Miles.

Ayon kay Joao sa pakikipagtrabaho niya sa aktres, "Sobrang gaan niyang katrabaho. She's so professional na e, kaya sa kahit anong eksena namin sobrang galing talaga niya."

Gaganap si Joao bilang kababata at kaibigan ni Miles sa istorya at later on ay magiging love interest ng dalaga.

Inilahad naman ni Jameson ang para sa kanya ay best thing about Miles.

"The best thing about Miles Ocampo, she is herself. She does not fake herself. I like her professionalism. She's polite and very nice to me also. 

"Nagkatrabaho na kami dati but we didn't really get to bond that much sa 'Home Sweetie Home.' This time we have more scenes together, so feeling ko mas makakapag-bonding kami," sabi ni Jameson.

Sa umpisa ay aso't pusa ang characters nina Jameson at Miles na madalas magbangayan at magbanggaan pero later on ay may something special na mangyayari sa kanila.

Kaya abangan kung sino ba kina Joao at Jameson ang tuluyang made-develop kay Miles sa "Padyak Princess," na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 AM, bago ang "Eat Bulaga" sa TV5 simula sa June 10.

Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies