David Foster napa-wow sa “All By Myself” rendition ni Stell

ni GLEN P. SIBONGA


MASIGABONG palakpakan at hiyawan ang dumagundong sa Smart Araneta Coliseum noong Hunyo 18 matapos ang pasabog na on-the-spot performance na hatid ni Stell Ajero ng SB19 sa Hitman: David Foster & Friends Asia Tour 2024.


Personal kong nasaksihan ang espesyal na moment na ito ni Stell matapos akong isama sa concert ng aking kaibigan at kasamahan sa panulat na si Alwin Ignacio. Thank you my friend. Maraming salamat din sa media.Xchange PR team at sa MQ Live sa pagbibigay ng patron tickets sa amin kaya maganda ang pwesto namin sa panonood.


Initially, ang alam ng mga audience kasama na kami ay opening performance lang si Stell pero unexpected ang pagtawag sa kanya ulit ni David Foster para kantahin ang pinakamataas na kanta ni Celine Dion na “All By Myself.” Take note, impromptu performance pa ito ha! Ito tuloy ang naging pinaka-highlight sa concert buong gabi dahil inabot at kinaya ni Stell ang notang kahit ang Queen of Pop na sa Celine Dion ay nahirapan. Chinika ni David Foster kung paanong ilang beses ang naging attempt ni Celine para abutin ang gusto nitong nota sa bridge part ng iconic song. Si David naman ay binigyan lang ng one chance ang SB19 member, na hindi naman nagpakabog at na-hit ang pinakamatataas na mga nota ng kanta!


Kung si David ay napa-wow kay Stell, ako naman ay napaiyak pa sa paghanga at pagka-proud kay Stell dahil sa pasabog niyang ito.


Kinanta ni Stell sa opening performance niya ang "All I Ask” ni Adele, “Defying Gravity” galing sa musical na Wicked, at ang kanyang debut single na “Room,” na first time niya ring kantahin sa Big Dome.


Pagkatapos nga ng opening act ni Stell ay puno na ng papuri sa kanya si David. Tinawag pang "incredible" ng sikat na composer at hitman ang SB19 member.


Bagay na bagay ang pangalang Stell para sa kanya dahil STELLAR ang kanyang mga performances palagi! 


Bukod kay Stell, nagpakitang-gilas din ang Pinoy singers na sina JV Decena at Joaquin Garcia. Kasama rin sa concert ang singing Superstars na sina Brian McKnight, All 4 One, at Katherine McPhee.


Congrats sa lahat ng artists at maraming salamat sa MQ Live at MWell for presenting this historic concert. 


Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies