SB19 nagpamalas ng husay pati pagmamahal sa Pilipinas sa MEGA Ball 2024

ni GLEN P. SIBONGA


TRENDING na naman ang Kings of P-Pop na SB19 matapos nilang magpamalas ng husay pati na rin ng pagmamahal sa Pilipinas sa MEGA Ball 2024 na itinaon sa selebrasyon ng Independence Day ng bansa.

Inawit ng SB19 sa annual Mega Ball ang "O Bayan Ko," na original composition ng National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab.

Sa isang interview, nagpapasalamat at natutuwa ang SB19 - na binubuo nina Pablo, Stell, Felip (Ken), Josh, at Justin - sa espesyal na oportunidad na ito.

Ayon nga kay Stell, "Sobrang laking pasalamat lang po na binigyan kami ng ganitong klaseng oportunidad na hindi lang po maipakita ang suporta namin sa ganitong klaseng event but also to showcase our skills din po.

“Nakakatuwa rin po yung tiwala nila sa amin to sing this kind of song. Sobrang laking bagay nu'n for us. Sana nabigyan namin ng hustisya yung performance namin tonight. And of course we're happy and always happy sa mga taong patuloy na sumusuporta and nagbibigay po sa amin ng ganitong klaseng opportunity."

Marami rin ang humanga sa confident na pagsusuot ni Pablo ng baro't saya sa event.

Mabuhay ang SB19!

Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies