Cassy, Ervic, JhaiHo, Darla nag-enjoy sa pagtitinda ng Beautederm products sa Gateway Mall

ni GLEN P. SIBONGA


NAG-ENJOY ang Beautederm ambassadors na sina Cassy Legaspi, Ervic Vijandre, DJ JhaiHo, at Darla Sauler sa pagtitinda ng Beautederm products sa Gateway Mall branch noong June 21.

Sila ang naatasang maging beauty consultants/tindera-for-a-day sa Beautederm kiosk sa Gateway, na pag-aari ni Ms. Korina Sanchez-Roxas. Present sa event si Ms. Korina at kasama pa niya ang mga anak na sina Pepe at Pilar.

Kasama si Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan, masayang nasaksihan ni Ms. Korina ang masipag na pagbebenta nina Cassy, Ervic, DJ JhaiHo, at Darla. In fairness, ang dami nilang nabenta lalo pa nga't buy one, take one ang ilang produkto gaya ng Papaine Soap, Ultralite Soap, at Oatmeal Soap.

Naging memorable naman para kay Cassy ang kauna-unahan niyang karanasan na maging tindera o saleslady.

"Super saya and super exciting. Even before gusto ko talagang ma-experience na maging seller kahit sa online o even sa ganitong kiosk. Natupad na yung dream ko," bulalas ni Cassy.

Dahil nga sa experience niyang ito kaya lalo siyang bumilib sa mga saleslady at salesman.

"Grabe yung mga saleslady at salesman ang tiyaga po nila. Hindi madaling magbenta. Nakakapagod po talaga. Kaya saludo po ako sa kanila, bilib ako sa kanila," papuri pa ni Cassy.

Natuwa rin si Cassy dahil isang fan niya ang nanalo ng reseller's package worth P8,000 sa ginawang pa-contest ni Ms. Rhea. Ang winner at ang mga natalo ay may inuwi ring cash prize.

Hindi na bago para kay Darla ang pagtitinda ng Beautederm products. "Everyday ko na itong ginagawa lalo na sa online. Dahil sa pagtitinda ko ng Beautederm products ay nakapagpatayo na ako ng bahay. Kaya forever thankful ako sa Beautederm at kay Mommy Rei," ani Darla.

Hindi naman kinaya ni JhaiHo na sa pagbebenta niya ng Beautederm products ay may biglang magpo-propose sa kanya. Bagama't biruan lamang ito, nasabi pa rin ni JhaiHo, "Iba talaga ang Beautederm, totoong nakakaganda. Biruin mo may biglang nag-propose."

In-enjoy rin ni Ervic ang pagbebenta pati na ang pakikipag-selfie at pagpapa-picture sa customers na bumibili.

Samantala, ikinasaya naman ni Ms. Rhea na ilang mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2024 ay dumaan at nakibahagi sa event. Ang Beautederm ang official skincare partner ng Bb. Pilipinas 2024.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Geneva Cruz special guest sa 'Everybody, Sing!' ngayong Setyembre 10; Pinuri si Vice Ganda