Miles Ocampo bidang-bida na sa "Padyak Princess" ng TV5

ni GLEN P. SIBONGA


HANDA nang sumabak ang Noontime Princess ng TV5 na si Miles Ocampo para sa mas malalaki at mas challenging na mga proyekto ngayong taon. Kasama na rito ang kanyang pagiging bida sa sariling TV series, ang "Padyak Princess," na mapapanood na simula ngayong Lunes, Hunyo 10, sa TV5.

Sa mediacon ng "Padyak Princess" hindi maiwasang maging emosyonal ni Miles dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya para pagbidahan ang naturang serye.

"Nung prinisent po sa akin ito, naiyak po talaga ako. Sabi ko, 'Sure po ba kayo? Talaga?' Pero maraming-maraming salamat po sa TV5, sa APT Entertainment, and Cignal na ipinagkatiwala niyo po sa akin ang napakalaking project na ito," naiiyak na sabi ni Miles.

Gagampanan ni Miles ang role ni Princess, isang charming at determinadong babae na nangangarap iligtas ang reputasyon ng kanyang pamilya at ibalik ang golden years ng kanilang Barangay Singko. Maraming pagsubok ang haharapin ni Princess kung saan mapipilitan siyang tumayo bilang breadwinner at itawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi basta-basta matitinag si Princess dahil handa siyang harapin ang bawat hamon ng buhay na may tapang, determinasyon, at may halong saya.

Kilala bilang former child star na ngayon ay award-winning actress na dahil sa kanyang natatanging talento, handa na si Miles sa kanyang role sa bagong serye ng TV5. Ang "Padyak Princess" ay puno ng heartwarming moments, inspiring triumphs, at nakatutuwang mga karakter na tiyak na kaaaliwan ng mga noontime viewers. 

Kasama rin sa cast sina Ara Mina, Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, at Miel Espinoza.

Panoorin ang pagganap ni Miles Ocampo bilang "Padyak Princess" sa TV5, 11:15am tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula sa Hunyo 10. Mayroon din itong catch-up episodes sa BuKo channel ng 7:30pm. Para manatiling updated sa latest news ng TV5, i-follow ang kanilang social media pages o bisitahin ang kanilang website sa www.tv5.com.ph




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies