Barbie Forteza at David Licauco level-up ang love team sa "That Kind of Love"

ni GLEN P. SIBONGA


AMINADO sina Barbie Forteza at David Licauco na nag-level-up ang love team nilang BarDa mula sa pinagsamahan nilang mga teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" at "Maging Sino Ka Man" hanggang sa kauna-unahan nilang pelikulang "That Kind of Love," na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa July 10.

Ayon nga kay Barbie, "Nag-level-up po talaga. Yung sophistication ng acting, yung maturity. Yung styling namin, di ba, kita niyo naman very close sa K-Drama (Korean Drama). Even yung  approach namin sa characters namin, eto yung pinaka-sophisticated na role na ibinigay sa akin. Kahit yung hitsura ko, iniba namin, pinadalaga namin. 

"Sa akin kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito, di ba? Kaya naman in return pina-level up din namin yung approach sa pelikulang ito. Yung pampelikula talaga, hindi lang pang-TV. Yung worth it sa ibabayad ng mga tao."

Sumang-ayon naman si David sa naging paliwanag ni Barbie. Dagdag pa niya, "Kasi galing sa 'Maria Clara at Ibarra,' iba magsalita e, iba rin yung characters. Kung dati sa Vigan kami nag-shoot, ngayon dito sa movie sa Korea na kami. Yung acting din nag-level up. I think in every project, we strive to be better," ani David.

Sabi pa nila, aabangan din ang level up sa kilig na mga eksena nila.

Ginagampanan ni Barbie ang role bilang si Milagros Maharlika, isang renowned dating coach at certified psychologist, na handang hanapan ng lovelife at ka-date si Adam De Dios, na ginagampanan naman ni David - isang CEO ng prestigious shipping company. 

Pero sa dinami-dami ng mga babae, si Milagros pala ang magpapatibok sa puso ni Adam.

Bukod kina Barbie at David, kasama rin sa cast ng movie sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet, at Kaila Estrada.

Produced by Pocket Media Productions at sa ilalim ng direksyon ni Cathrine Camarillo, ang "That Kind of Love" ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa July 10. Distributed ito ng Regal Entertainment.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies