Belle, Maris, Loisa - Sino ang mapipiling endorser ni Belle Blush & Glow CEO Maribel Vitales?

ni GLEN P. SIBONGA


MATAPOS ang matagumpay na launching ng Belle Blush & Glow Skin Essentials sa Alta Guia Events Place sa Taguig City noong June 19, sunod namang tina-target ng CEO nito na si Maribel Vitales ang pagpili ng celebrity endorser ng kanyang skincare brand.

Aminado nga si Ms. Maribel na may ilang celebrities nang nasa isip niya para maging endorser ng Belle Blush & Glow.

"Yes, meron na kaming pinagpipilian. Una na riyan si Belle Mariano. Gandang-ganda kasi ako sa batang iyan. And I can see that she is a good role model sa mga kabataan.

"Sabi naman ng mga pamangkin ko, pwede rin daw sina Maris Racal and Loisa Andalio, both beautiful ladies as well and very talented too. So, tignan natin. We are going to have another big event to launch our celebrity endorser," sabi ni Ms. Maribel nang makausap namin siya sa launch ng Belle Blush & Glow.

Isasama na rin ni Ms. Maribel sa kanyang endorsers ang dancer-actress-host na si Regine Tolentino dahil matagal na niya itong kakilala at nakakatrabaho pa sa zumba events na inoorganisa niya bilang public servant. Very beautiful din si Regine at napanatili ang ganda at pagiging fit bilang celebrity mom. Si Regine ang nag-host ng launch ng Belle Blush & Glow.

Masaya ring ibinalita ni Ms. Maribel na mabilis na lumalaki at lumalago ang Belle Blush & Glow dahil bago pa man ang launch ay dumarami na ang resellers at distributors nila. Aniya pa, kasama talaga ito sa kanilang mga layunin - ang makapagbigay ng business opportunities sa kanilang customers at users na bukod sa pagpapaganda ng physical appearance ay nakatutulong din sila sa pagpapaganda ng buhay at kabuhayan ng mga tao.

"Our mission is to empower individuals in enhancing their natural beauty and promote self-confidence through our diverse range of affordable skincare and beauty products," paliwanag pa ni Ms. Maribel.

Kaya naman perfect ang tagline nila na, "Confidence starts in here."

Ibinahagi rin ni Ms. Maribel ang vision ng Belle Blush & Glow, "To be a leading brand in the skincare and beauty industry, known for our commitment to quality, affordability, and customer satisfaction."

Ipinagmamalaki ni Ms. Maribel ang wide range ng skincare products, make-up products, at health supplements ng Belle Blush & Glow. Aniya pa, FDA-approved ang mga produkto, organic ang ingredients at safe gamitin.

Tulad na lang ng skincare products ng Belle Blush & Glow na mayroong set na nasa magandang packaging at kumpleto na sa premium soap, facial toner, day at night creams bawat isa - ang Glass Skin Set, Brightening Set, Niacinamide Set, at Exfoliating Set.

Kumpleto rin ang make-up products nila gaya ng lipstick, lip balm, eyeliner, mascara, liquid foundation, concealer, at marami pang iba.

Sa health supplements naman nandiyan ang Glutathione Collagen Glow, Apple Cider Vinegar Gummies, Caramel Macchiato, at Mixed Berries slimming and whitening drink.

For more information, visit Belle Blush & Glow on Facebook (Blush and Glow Official Page) and on Instagram (belleblushandglow.official) or contact 09171654714.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies