Posts

Showing posts from April, 2024

Jeraldine ng Blackman family at Rhea Tan mag-bestie na; Beautederm at A-List Avenue contents milyon-milyon ang views

Image
ni GLEN P. SIBONGA Bestie na ang turing ng sikat na content creator at influencer na si Jeraldine ng Blackman family kay Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan. Ayon nga kay Jeraldine sa caption ng Facebook reel sa The Blackman Family page, "My new bestie Rei Anicoche Tan 😂 LOVE U!!!!" Tuwang-tuwa naman si Ms. Rhea sa pagmamahal ni Jeraldine sa kanya. Ni-repost ng Beautederm CEO ang FB reel na ito kasama ang Ilocano  caption na, "Ihh boses ko nag ngato! 😂 The Blackman Family nagadu met entrym kanyak . Ahhahaa mabain ak unay. Agyaman nak ading ko!  🫠 Love you! See u In Australia!" Aliw ang FB reel na ito kung saan mapapanood ang dalawang Ilocano na nagkita sa A-List Avenue shop at nag-usap sa kanilang dialekto. Sabi ni Ms.Rhea, mamili lang si Jeraldine ng gusto niya for free at regalo na niya ito sa influencer. Napili ni Jeraldine ang Hermes mini lindy shoulder bag pero nahihiya siyang kunin ito dahil mamahalin nga. Pero libre itong ibinigay ng Beautederm at

Win a shopping spree worth up to P100,000 from PLDT Home

Image
by GLEN P. SIBONGA Summer is the perfect time to upgrade your home, shop for school or work essentials, or simply stock up your pantry. This summer, PLDT Home gives you more reasons to make the most out of your upgrade or purchase with a chance to win a P100,000 shopping spree.   PLDT Home’s Shopping Spree Upgrade promo gives you a chance to win a shopping spree experience at SM Store Megamall, with SM gift passes worth up to P100,000 to one lucky winner; P50,000 SM Gift Passes to two winners; and P25,000 SM Gift Passes to four winners.   Reward yourself with an upgrade and shopping spree There are many ways PLDT Home subscribers can earn raffle entries for the chance to win this experience of a lifetime. First, you can upgrade your current PLDT Home Fiber plan to enjoy a leveled-up digital experience at home—from streaming  their favorite movies and series, playing games with friends, to getting office and schoolwork done in a jiffy and more.   Enjoying your fiber fast speeds? You can

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya ang Beautéderm founder at president na si Rhea Anicoche Tan nang i-welcome niya ang Blackman family ( Jeraldine and Jette ) sa kanyang 7-storey building sa Angeles City, Pampanga. Mabilis na nagkasundo sina Ms. Rhea at Jeraldine na parehong Ilocano. Si Ms. Rhea ay mula sa Vigan, habang taga-Ifugao naman si Jeraldine. Nakatutuwa ang pagtatagpo ng dalawang babae, na parehong mapagmahal sa pamilya at hindi kinakalimutan ang kanilang pinanggalingan. Sabi ng business magnate sa Filipina influencer, “You are an inspiration especially to women. You are so authentic that’s why people love you. Kapag pinapanood namin ang videos mo, parang kasama mo na rin kami sa iyong journey as a mother and as a career woman.” Sagot naman ni Jeraldine, na binisita ang Beautéderm, Beauté Beanery, A-list Avenue, at sumabak pa sa “Hakot Challenge,” “I admire you as an entrepreneur. You are so successful pero nag-click agad tayo. We’re both hardworking Ilocanas na ginagawa ang

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Image
ni GLEN P. SIBONGA PINATUNAYAN  ng sikat na Pinoy Pop group na SB19 ang kanilang natatanging talento at kahusayan sa musika sa mga nakalipas na mga taon hanggang sa kasalukuyan kaya naman hindi nakapagtatakang humakot sila ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Nagwagi ang SB19 sa iba't ibang kategorya sa 14th Star Awards for Music sa pangunguna ng major awards na Song of the Year para sa kanilang awiting "Mapa" at Album of the Year para sa kanilang "Pagsibol" album sa ilalim ng Sony Music Philippines. Nakuha rin ng SB19 ang Duo/Group Artist of the Year, Pop Album of the Year ("Pagsibol"), Dance Recording of the Year ("Bazinga"), Duo/Group Concert of the Year ("Our Zone: SB19 Third Anniversary Concert"), at Music Video Year ("Bazinga"). Nagpatuloy ang panalo ng SB19 sa 15th Star Awards for Music nang magwagi sila ng Music Video of the Year para sa kanilang hit song na

PMPC nagluluksa at nakikiramay sa pagpanaw ni Direk Pete Mariano

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagluluksa ang mga opisyal at miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at nakikiramay sa pamilyang naulila ng yumaong direktor na si Pete Mariano. Si Direk Pete ay maraming beses nang naging katuwang ng PMPC sa iba't ibang activities ng grupo lalo na sa Star Awards for Music, Movies at Television. Kaya naman labis na nagdadalamhati ang PMPC sa biglaang pagkamatay ng direktor. Bago ang pagpanaw ni Direk Pete ay siya pa ang muling nagdirehe at nag-eedit ng virtual awarding presentation ng 14th at 15th Star Awards for Music. Ngunit hindi na niya ito nagawa pang tapusin kaya naantala rin ang dapat na pagpapalabas nito. Narito ang official statement ng PMPC: The Philippine Movie Press Club (PMPC) is deeply saddened by the passing of Director Pete Mariano. His untimely demise is a significant loss to the entertainment industry, and his contributions will be profoundly missed. Director Pete Mariano was a valued collaborator with the PMPC for several years, notably

Vice Ganda sa pelikula with Direk Jun Lana: "Isa ito sa pinakamalalaking highlights ng movie career ko!"

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pasabog ang announcement ni Unkabogable Star Vice Ganda sa "It's Showtime" nitong tanghali, April 19, kaugnay sa kanyang pagbabalik-pelikula sa "And The Breadwinner Is..." na ididirehe ng award-winning director na si Jun Robles Lana.  Ang naturang pelikula ay co-production ng Star Cinema at The IdeaFirst Company nina Direk Jun at Direk Perci Intalan. Ayon nga kay Vice sa pagsasanib-pwersa nila ni Direk Jun, "Magkakaroon ako ng pelikula na kasama si Direk Jun Luna, ididirek ako ni Jun Lana at sila ang magsusulat ng pelikula ko. Napakasuwerte ko. Kaya madlang people, this is it -- new movie alert. Your mother will be mothering again sa mga sinehan. Magbabalik-pelikula po tayo para magbigay ng unkabogability sa buong society." Para kay Vice, isa ito sa pinakamalalaking highlights ng kanyang movie career. "Ang saya ko lang talaga. Highlight ito ng career ko this year. Hindi lang this year, highlight ito ng filmmaking... ng movie car

ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival ngayong April 12-14 na; Direk Jun at Direk Perci nagpapasalamat sa sampung taon ng kanilang kumpanya

Image
ni GLEN P. SIBONGA Excited na sina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company dahil lalarga na simula ngayong April 12 hanggang sa April 14 sa Gateway Cineplex ang ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival ,  na bahagi ng selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng IdeaFirst, ang kanilang movie at production company. Ayon nga kay Direk Jun, “First and foremost, we just want to celebrate making movies and content production. Up to now, it’s still a gig industry for artists and directors, so for you to be able to spend ten years doing this is cause for celebration. “It’s also to remind us of the reason we are doing this. Yes, box-office results are important, but from the name itself, IdeaFirst, we are holding this festival also because we want to keep telling stories that matter to us, to keep shining light on stories that would otherwise be kept in the dark.” Paraan din nila ang filmfest na ito to give back. "Kasi hindi lang siya basta screening, mayroon d

Bong Revilla balik-pelikula sa Alyas Pogi 4

Image
ni GLEN P. SIBONGA Excited na si Sen. Bong Revilla sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng pelikula sa bago niyang proyektong "Alyas Pogi 4" kaya naman tutok siya sa pagwo-workout at pagpapakundisyon ng katawan para sa pagsabak niya sa mga maaaksyong eksena. "Super excited kaya nga busy ako sa pagwo-workout at pagpapakundisyon kasi syempre di ba nakita niyo si Alyas Pogi before kung gaano siya katikas.  "Syempre kung pwede ko pang ma-surpass yung ginawa ko before... kaya mas matindi yung aksyon, mas matindi yung makikita nila. "May anak na si Pogi rito, isang babae, isang lalaki. Abangan niyo kung sino yun. Yung mga makakasama ko, matitindi at malalaking mga artista," salaysay ni Bong. Ang unang "Alyas Pogi" ay ipinalabas noong 1990. Nasundan ito noong 1992, at ang pinakahuli ay noong 1999. Bakit ang "Alyas Pogi 4" ang napili niya para sa kanyang pagbabalik-pelikula? "Kasi naipangako ko na ito noon pa e. May teaser na nga ito noon. Ka

Beautederm CEO Rhea Tan sumabak din sa ice cream business

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang inanunsiyo ng Beautederm founder at CEO na si Rhea Anicoche Tan ang kanyang bagong negosyo na isang ice cream brand. Pinangunahan niya ang grand opening ceremony kasama ang kanyang mga anak na sina Adam Kenneth Tan , Audrey Kirsten Tan , at Beautéderm endorser Gillian Vicencio  noong April 6 sa Beautéderm Headquarters, Angeles City. “I’ve never been the type of woman to do only one thing. I love discovering new things, innovating, and expanding. The newly-launched business is perfect this summer, offering delightful experience,” sabi ni Ms. Rhea. Ibinahagi rin ng female entrepreneur na ang kanyang anak na si Adam Kenneth ang magma-manage nito. Proud niyang sinabi, “I fully trust him. I told him to enjoy this opportunity, express his creativity, and practice his entrepreneurial skills.” Ayon sa business magnate, nagdesisyon siyang mag-franchise ng ice cream na ito dahil sa kalidad nito. Kilalang ice cream brand ito sa Pilipinas at halos 20 years na itong ti

Ice Seguerra’s "Videoke Hits," Your Ultimate Karaoke Experience

Image
by GLEN P. SIBONGA Unleash your inner superstar, step into the spotlight, and grab the songbook and the mic because Ice Seguerra is set to bring a one-of-a-kind videoke concert experience in his first concert this 2024, "Videoke Hits," which will be held at the Music Museum on May 10 and 11. A celebration of the songs we love, together with an OPM icon, "Videoke Hits" aims to be a haven for Filipino videoke lovers who are in for a memorable jamming session. “My favorite pastime is singing talaga. We even have our own portable videoke machine that I bring everywhere with me. Whenever I want to destress, all I  need is to look for a mic, go to youtube for lyrics, solb na! “ Ice Seguerra muses. Ice is set to ignite the stage with a karaoke vibe unlike any other, allowing fans to experience their favorite hits with a twist only Ice can deliver. From timeless ballads to contemporary chart-toppers, the setlist will feature a diverse range of songs handpicked by who else—h

"Eat Bulaga" inimbita ang lahat sa pa-street party sa National Barangay Day sa Abril 6

Image
ni GLEN P. SIBONGA Humanda nang makiawit, makisayaw, at makitawa sa pinakamalaking street party ng taon! Ngayong Sabado, Abril 6,  ipagdidiriwang ng "Eat Bulaga" ang National Barangay Day para sa mga Dabarkads.  Ito’y magiging malaking pa-fiesta na puno ng kulay, saya at musika. With special guests at pasabog performances pa, siguradong nakaaaliw ang parating na episode. Syempre, bukod sa mga ka-barangay at special guests, kayong mga legit Dabarkads ay kailangan din para kumpleto ang saya! Mukhang magiging enjoyable ang tanghalian ng mga Pinoy dahil bawat kanto raw ay magsisilbing dance floor at bawat tahanan ay magiging center stage ng kasiyahan! Huwag palampasin, maki-celebrate at isama ang buong pamilya na tumutok ngayong Sabado ng tanghali, Abril 6, sa "Eat Bulaga"  sa TV5.

"Lumuhod Ka Sa Lupa" mas paiinitin ang Hapon Champion Block ng TV5

Image
ni GLEN P. SIBONGA Muling ma-in love sa bagong handog ng TV5, Studio Viva at Sari-Sari na isang makabagong bersyon ng tanyag na action masterpiece ni Carlo J. Caparas, ang "Lumuhod Ka Sa Lupa." Sa nakaaantig nitong kwento at mga hindi malilimutang karakter, tiyak na paiiinitin ng bagong seryeng ito ang Hapon Champion block ng TV5. Ang "Lumuhod Ka Sa Lupa" ay isang classic story na nilikha ni Carlo J. Caparas bilang comics series na isinapelikula at pinagbidahan ng yumaong si Rudy Fernandez noong 1980s. Ngayon ay mapapanood na ito bilang TV series na puno ng mas maraming kaabang-abang na aksyon.  Sa pangunguna nina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Sid Lucero, Rhen Escaño, at Gardo Versoza, ang bagong bersyon ng "Lumuhod Ka Sa Lupa" ay puno ng action-packed scenes na tugma sa panlasa ng bagong henerasyon habang nananatili sa orihinal na kuwento nito. Kasama rin dito sina Mark Anthony Fernandez, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Andre Yllana, Ashley Diaz, Annika Co,