Beautederm CEO Rhea Tan sumabak din sa ice cream business
ni GLEN P. SIBONGA
Masayang inanunsiyo ng Beautederm founder at CEO na si Rhea Anicoche Tan ang kanyang bagong negosyo na isang ice cream brand. Pinangunahan niya ang grand opening ceremony kasama ang kanyang mga anak na sina Adam Kenneth Tan, Audrey Kirsten Tan, at Beautéderm endorser Gillian Vicencio noong April 6 sa Beautéderm Headquarters, Angeles City.
“I’ve never been the type of woman to do only one thing. I love discovering new things, innovating, and expanding. The newly-launched business is perfect this summer, offering delightful experience,” sabi ni Ms. Rhea.
Ibinahagi rin ng female entrepreneur na ang kanyang anak na si Adam Kenneth ang magma-manage nito. Proud niyang sinabi, “I fully trust him. I told him to enjoy this opportunity, express his creativity, and practice his entrepreneurial skills.”
Ayon sa business magnate, nagdesisyon siyang mag-franchise ng ice cream na ito dahil sa kalidad nito. Kilalang ice cream brand ito sa Pilipinas at halos 20 years na itong tinatangkilik at minamahal ng consumers.
Ang sikat na ice cream brand ay nag-o-offer ng 80% less sugar soft served ice cream flavors like chocolate, vanilla, avocado, at mango. Kabilang din sa ino-offer nito ang local flavors like ube at coconut.
Ayon pa kay Ms. Rhea, “Filipinos love ice cream in all forms. This has long been part of our culture, especially during summer. One thing nice about this brand, it has less sugar. This is a healthier option for everyone.
“I’m grateful for the blessings. Let’s continue to innovate and give more people jobs.”
Ang Beautederm ambassador na si Piolo Pascual ang kinuhang endorser ni Ms. Rhea sa kanyang ice cream business.
Samantala, magdiriwang ng 15th anniversary ang kanyang sikat na beauty brand na Beautéderm. Nananatili itong nangunguna sa skincare industry, kung saan nag-o-offer ng FDA-approved at effective products.
Comments
Post a Comment