Jeraldine ng Blackman family at Rhea Tan mag-bestie na; Beautederm at A-List Avenue contents milyon-milyon ang views

ni GLEN P. SIBONGA


Bestie na ang turing ng sikat na content creator at influencer na si Jeraldine ng Blackman family kay Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan.

Ayon nga kay Jeraldine sa caption ng Facebook reel sa The Blackman Family page, "My new bestie Rei Anicoche Tan 😂 LOVE U!!!!"

Tuwang-tuwa naman si Ms. Rhea sa pagmamahal ni Jeraldine sa kanya. Ni-repost ng Beautederm CEO ang FB reel na ito kasama ang Ilocano  caption na, "Ihh boses ko nag ngato! 😂 The Blackman Family nagadu met entrym kanyak . Ahhahaa mabain ak unay. Agyaman nak ading ko!  🫠 Love you! See u In Australia!"

Aliw ang FB reel na ito kung saan mapapanood ang dalawang Ilocano na nagkita sa A-List Avenue shop at nag-usap sa kanilang dialekto. Sabi ni Ms.Rhea, mamili lang si Jeraldine ng gusto niya for free at regalo na niya ito sa influencer.

Napili ni Jeraldine ang Hermes mini lindy shoulder bag pero nahihiya siyang kunin ito dahil mamahalin nga. Pero libre itong ibinigay ng Beautederm at A-List Avenue big boss. 

Kaya naman bestie na ang tawag ni Jealdine kay Ms. Rhea. Niyaya niya pa na pumunta sa Australia ang Beautederm CEO at siya mismo ang susundo sa airport.

Sa isa pang reel ay ibinunyag ni Jeraldine na hindi lang Hermes bag ang ibinigay ni Ms. Rhea sa kanya kundi Hermes sandals din at LV sling bag. Pati ang anak ni Jeraldine na si Jette ay nakatanggap ng Hermes bag bilang birthday gift.

Na-appreciate ni Ms. Rhea ang maraming contents na in-upload at pinost ng Blackman family sa social media tampok ang Beautederm products at A-List Avenue. Bongga nga dahil milyon-milyon na ang views sa social media ng contents na ito.

Yung isang FB reel nga na unang pinost ni Jeraldine tampok silang dalawa ni Ms. Rhea ay may mahigit sa 3.9 million views na. Mapapanood dito na kahit 45 years na si Ms. Rhea (actually 43 pa lang) ay mukha itong mas bata kay Jeraldine na 31 years old pa lang.

Mahigit sa 1.5 million views na rin ang FB reel na tampok ang cute na anak ni Jeraldine  na si Jette na naghihilamos ng mukha at ipinapakita ang kanyang bagong morning routine gamit ang produkto ng Beautederm na Jeune Ultra Gentle Cleanser.

Mild at gentle ang Jeune kaya safe ito kahit sa mga bata at very effective sa pangangalaga ng skin of all ages.

Kamakailan lang ay masayang winelcome ni Ms. Rhea ang Blackman family (Jeraldine and Jette) sa kanyang 7-storey building sa Angeles City, Pampanga.

Mabilis na nagkasundo sina Ms. Rhea at Jeraldine na parehong Ilocano. Mula sa Vigan City si Ms. Rhea habang taga-Ifugao naman si Jeraldine. 

Sabi ng business magnate sa Filipina influencer, “You are an inspiration especially to women. You are so authentic that’s why people love you. Kapag pinapanood namin ang videos mo, parang kasama mo na rin kami sa iyong journey as a mother and as a career woman.”

Sagot naman ni Jeraldine,  “I admire you as an entrepreneur. You are so successful pero nag-click agad tayo. We’re both hardworking Ilocanas na ginagawa ang lahat para sa pamilya.”

Pinag-usapan din nila ang future collaborations na pwede nilang gawin.

Balik-Australia na ang Blackman family matapos ang kanilang three-week stay sa Pilipinas, na bukod sa bakasyon ay hinarap din nila ang iba't ibang activities kung saan sila inimbitahan kasama na nga ang pagdalaw kay Ms. Rhea sa Beautederm building.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies