Vice Ganda sa pelikula with Direk Jun Lana: "Isa ito sa pinakamalalaking highlights ng movie career ko!"
ni GLEN P. SIBONGA
Pasabog ang announcement ni Unkabogable Star Vice Ganda sa "It's Showtime" nitong tanghali, April 19, kaugnay sa kanyang pagbabalik-pelikula sa "And The Breadwinner Is..." na ididirehe ng award-winning director na si Jun Robles Lana.
Ang naturang pelikula ay co-production ng Star Cinema at The IdeaFirst Company nina Direk Jun at Direk Perci Intalan.
Ayon nga kay Vice sa pagsasanib-pwersa nila ni Direk Jun, "Magkakaroon ako ng pelikula na kasama si Direk Jun Luna, ididirek ako ni Jun Lana at sila ang magsusulat ng pelikula ko. Napakasuwerte ko. Kaya madlang people, this is it -- new movie alert. Your mother will be mothering again sa mga sinehan. Magbabalik-pelikula po tayo para magbigay ng unkabogability sa buong society."
Para kay Vice, isa ito sa pinakamalalaking highlights ng kanyang movie career.
"Ang saya ko lang talaga. Highlight ito ng career ko this year. Hindi lang this year, highlight ito ng filmmaking... ng movie career ko. Isa ito sa pinakamalalaking highlights. From Direk Wenn (Deramas) tapos ngayon na kay Direk Jun Lana na ako. Ang sarap lang sa pakiramdam!" ani Vice.
Inihayag naman ni Direk Jun kung ano ang dapat abangan sa pelikula nila ni Vice.
"Palagay ko maraming mga manonood ang makaka-relate dito. At lahat nang inaasahan niyo sa isang pelikula ni Vice Ganda, 'yung saya at 'yung riot na comedy, hindi lang namin basta ibibigay kung hindi hihigitan pa namin," sabi ni Direk Jun.
Makakasama ni Vice sa pelikula ang kanyang "It's Showtime" co-host at kaibigang si Jhong Hilario, na nagpasalamat sa Unkabogable Star.
"Ang tagal ko ng walang pelikula at 'yung teleserye parang 'Probinsyano' pa ang huli so na-miss ko ang acting at thank you dahil isinama mo ako. Sobrang excited, sobrang excited. So thank you," pasalamat ni Jhong kay Vice.
Wala pa silang sinabing definite date kung kailan ito mapapanood sa mga sinehan pero sinigurado ni Vice na ngayong taon ito ipalalabas.
Ang huling pelikulang nagawa ni Vice ay ang 2022 Metro Manila Film Festival entry niyang "Partners in Crime" with Kapamilya actress Ivana Alawi.
Comments
Post a Comment