Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo
ni GLEN P. SIBONGA
Masayang-masaya ang Beautéderm founder at president na si Rhea Anicoche Tan nang i-welcome niya ang Blackman family (Jeraldine and Jette) sa kanyang 7-storey building sa Angeles City, Pampanga.
Mabilis na nagkasundo sina Ms. Rhea at Jeraldine na parehong Ilocano. Si Ms. Rhea ay mula sa Vigan, habang taga-Ifugao naman si Jeraldine. Nakatutuwa ang pagtatagpo ng dalawang babae, na parehong mapagmahal sa pamilya at hindi kinakalimutan ang kanilang pinanggalingan.
Sabi ng business magnate sa Filipina influencer, “You are an inspiration especially to women. You are so authentic that’s why people love you. Kapag pinapanood namin ang videos mo, parang kasama mo na rin kami sa iyong journey as a mother and as a career woman.”
Sagot naman ni Jeraldine, na binisita ang Beautéderm, Beauté Beanery, A-list Avenue, at sumabak pa sa “Hakot Challenge,” “I admire you as an entrepreneur. You are so successful pero nag-click agad tayo. We’re both hardworking Ilocanas na ginagawa ang lahat para sa pamilya.”
Nagkausap din ang dalawa sa posible nilang collaboration. Binigyan naman ng birthday gifts ni Ms. Rhea ang Blackman kid na si Jette.
Post ni Jeraldine sa Instagram, “Jette feels so special. You made Jette’s mama and Jette happy. Thank you, A-list Avenue and Miss Rhea Tan for making Jette’s 4th birthday memorable for me.”
Nagpasalamat ang Beautéderm owner sa time na ibinigay ng Blackman family. Aniya, na-touch siya sa effort ni Jeraldine na talagang dumayo pa sa Angeles. Bilang regalo ay may mga ibinigay siya sa influencer bago umalis.
“I’m just so grateful dahil nagbigay sila ng oras para bisitahin ang Beautéderm fam. Dahil sa pagbisita nila, nakilala namin ang isa’t isa. I told them na dapat bumalik sila. They made the Beautéderm family happy. Plus, Jette’s cuteness, nakakagigil,” saad ni Ms. Rhea.
Comments
Post a Comment