"Lumuhod Ka Sa Lupa" mas paiinitin ang Hapon Champion Block ng TV5

ni GLEN P. SIBONGA


Muling ma-in love sa bagong handog ng TV5, Studio Viva at Sari-Sari na isang makabagong bersyon ng tanyag na action masterpiece ni Carlo J. Caparas, ang "Lumuhod Ka Sa Lupa." Sa nakaaantig nitong kwento at mga hindi malilimutang karakter, tiyak na paiiinitin ng bagong seryeng ito ang Hapon Champion block ng TV5.

Ang "Lumuhod Ka Sa Lupa" ay isang classic story na nilikha ni Carlo J. Caparas bilang comics series na isinapelikula at pinagbidahan ng yumaong si Rudy Fernandez noong 1980s. Ngayon ay mapapanood na ito bilang TV series na puno ng mas maraming kaabang-abang na aksyon. 

Sa pangunguna nina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Sid Lucero, Rhen Escaño, at Gardo Versoza, ang bagong bersyon ng "Lumuhod Ka Sa Lupa" ay puno ng action-packed scenes na tugma sa panlasa ng bagong henerasyon habang nananatili sa orihinal na kuwento nito. Kasama rin dito sina Mark Anthony Fernandez, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Andre Yllana, Ashley Diaz, Annika Co, Rose Van Ginkel, Jeffrey Hidalgo, at Jeric Raval.

Tampok sa "Lumuhod Ka Sa Lupa" ang kwento ni Norman Dela Cruz (Kiko Estrada), isang working student na may pangarap maging abogado. Magbabago ang takbo ng kanyang buhay nang magkaroon ng alitan sa lupa ang kanyang ina na si Tacing (sa special participation ni Ana Abad Santos) laban kay Benito Balmores (Gardo Versoza) na magdudulot ng trahedya. Dahil dito, magpapasya si Norman na maghiganti para sa kanyang ina, ngunit mahuhulog ang kanyang puso sa anak ni Benito na si Mercy Balmores (Sarah Lahbati). Pagkatapos ng ilang taon, muling babalik si Norman bilang isang ganap na abogado na nagngangalang Abra Espiritu. Sa plano niyang paghihiganti, paano niya pipigilan ang kanyang damdamin para kay Mercy na ikinasal na kay Miguel Aguirre (Sid Lucero)?

Ano ang magiging mas matimbang para kay Norman – paghihiganti o pag-ibig? Alamin sa nalalapit na pagbubukas ng kuwento ng Lumuhod Ka Sa Lupa ni Carlo J. Caparas sa Abril 8, 2:30 PM sa Hapon Champion block ng TV5. Mapapanood ito araw-araw at may same-day catch up naman sa Sari-Sari Channel ng 8PM.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang opisyal na social media accounts ng TV5 o bisitahin ang kanilang website sa www.tv5.com.ph

Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies