"Eat Bulaga" inimbita ang lahat sa pa-street party sa National Barangay Day sa Abril 6

ni GLEN P. SIBONGA


Humanda nang makiawit, makisayaw, at makitawa sa pinakamalaking street party ng taon! Ngayong Sabado, Abril 6,  ipagdidiriwang ng "Eat Bulaga" ang National Barangay Day para sa mga Dabarkads. 


Ito’y magiging malaking pa-fiesta na puno ng kulay, saya at musika. With special guests at pasabog performances pa, siguradong nakaaaliw ang parating na episode. Syempre, bukod sa mga ka-barangay at special guests, kayong mga legit Dabarkads ay kailangan din para kumpleto ang saya!


Mukhang magiging enjoyable ang tanghalian ng mga Pinoy dahil bawat kanto raw ay magsisilbing dance floor at bawat tahanan ay magiging center stage ng kasiyahan! Huwag palampasin, maki-celebrate at isama ang buong pamilya na tumutok ngayong Sabado ng tanghali, Abril 6, sa "Eat Bulaga" sa TV5.




Comments

Popular posts from this blog

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Rhea Tan at Beautederm family sumugod sa Araneta Coliseum para suportahan ang D10 concert ni Darren