Posts

Showing posts from October, 2023

Silka at ABS-CBN magkatuwang sa paghahatid ng Binibining Silka 2023

Image
ni GLEN P. SIBONGA Magkatuwang ang Silka at ABS-CBN para ihatid ang grand coronation night ng Binibining Silka 2023 na magaganap ngayong Linggo, Oktubre 29, 5 PM sa New Frontier Theater to be hosted by Robi Domingo, Nicole Cordoves, at Sue Ramirez.  Labindalawang naggagandahang kandidata na nanalo sa regional competitions ang magtutunggali para sa korona ng Binibining Silka 2023. Makikipaglaban para makuha ang titulo ng mga kandidata mula sa NCR, North Luzon, Central Luzon, Southern Tagalog, Ilocandia, Bicolandia, Palawan, Central Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Western Mindanao, at Southern Mindanao. Ang grand winner at tatanghaling Binibining Silka 2023 ay makakatanggap ng mga premyong P500,000 cash; 15-month contract with Silka para pangunahan ang iba't ibang campaigns ng brand; at dahil in partnership with ABS-CBN ang beauty pageant na ito kaya ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong lumabas at mag-guest sa ABS-CBN shows na maaaring magbukas ng oportuni

TV5’s "Gud Morning Kapatid" continues to spread good vibes with new segments and hosts

Image
by GLEN P. SIBONGA Weekday mornings are definitely brighter as our favorite morning program and “kasalo sa umaga” continues to spread the "gud vibes" in TV5’s "Gud Morning Kapatid."  Hosted by Jes Delos Santos, Chiqui Roa-Puno, Justin Quirino, Maoui David, and our newest Kapatid, award-winning actress Dimples Romana, "Gud Morning Kapatid" is quickly becoming every Filipino’s all-in-one source for entertainment, information, and inspiration. This October and November, along with the launch of its impressive lineup of hosts, "Gud Morning Kapatid" is also bringing in new segments with Dimples at the helm: “May Bahay” is all about home improvement tips on a budget, while “Smart Parenting” gives practical parenting advice. Other fan-favorite segments remain, including Kitang-kita, Sabi ni Dok with Dok Dex Macalintal, Legal Ba ‘To with Atty. Buko, Frontline sa Umaga, and others. Make sure to get your daily dose of gud vibes and the latest news updates

Kier Legaspi balik acting sa "Black Rider;" Pinuri ang bida ng serye na si Ruru Madrid

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya si Kier Legaspi nang ma-interview namin siya kaugnay sa kanyang pagbabalik sa acting sa teleseryeng "Black Rider" matapos ang tatlong taong pamamahinga sa showbiz. "It feels good to be back. It feels good na umaarte ako ulit. I love being in show business. I love being a celebrity. I love acting. Kaya natutuwa ako na napasama ako sa cast ng 'Black Rider,'" bulalas ni Kier. Gaganap si Kier sa "Black Rider" bilang kidnaper at makakalaban siya ng bidang si Ruru Madrid. Kumusta katrabaho si Ruru? "Madali, magaan. I like Ruru as an actor dahil talagang nagpe-perform siya at very professional. At saka ang galing niya sa action scenes namin. Nakakabilib si Ruru," papuri pa niya sa co-actor. Burn out ang itinurong dahilan ni Kier kaya nagpahinga siya sa showbiz. Sa loob ng tatlong taon ay nag-focus muna siya sa resto at food business nila ng asawa niya. Inamin ni Kier na sa pagbabalik niya sa showbiz ngayon ay n

Thou Reyes humahanga at nagpapasalamat kay Beautederm CEO Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA Puno ng paghanga at pasasalamat si Thou Reyes kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya para maging brand ambassador at maging bahagi ng Beautederm family. Ayon nga kay Thou nang maka-chat namin siya sa Instagram, "I feel lucky because not everyone can be part of the family. What’s even more surprising is how genuine and kind the CEO of the company is. Miss Rhea Tan or as we call her 'Mammi Rei' is such an inspiration for someone like me who’s also a businessman.  "Sakto, because my first official event of Beautederm was the annual franchisee ball, their 14th year of setting a gold standard. I witnessed how loved and respected si Mammi Rei ng kanyang mga staff and franchisees. So to be part of such a legitimate company as an ambassador is an honor." Nitong Oktubre 18 ay pormal nang pumirma ng kontrata si Thou bilang official brand ambassador ng Beautederm kasama si Ms. Rhea. Nag-pictorial na rin siy

Jodi, Richard, Gabbi, at Joshua unbreakable ang bond sa nalalapit na finale ng "Unbreak My Heart"

Image
ni GLEN P. SIBONGA Umaapaw ang pagmamahal kina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia sa set ng “Unbreak My Heart” kung saan inaabangan na ang nalalapit na finale ng makasaysayang teleserye na kauna-unahang kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN Corporation.  Gabi-gabing tinututukan ng mga manonood ang makapigil-hiningang mga rebelasyon sa serye kung saan todo papuri ang netizens sa angking talento ng buong cast. Partikular na rito ang tinatagong madilim na nakaraan ni Renz (Joshua), ang hinanakit na dala-dala ng mag-inang Rose (Jodi) at Alex (Gabbi), at ang hirap na pinagdadaanan ni Matt (Richard) para lang maprotektahan ang mga mahal niya sa buhay.  Sa isang video plug na inilabas online, ibinahagi ng mga bida ng serye ang kanilang “unbreakable moments” sa set at ang taos-puso nilang pasasalamat na maging parte ng unang co-production series ng GMA at ABS-CBN.  “It’s really the relationships na na-forge habang nagtatrabaho. Also, ‘yung camaraderie ng mga tao,” sa

Ruru, Ejay, Jane, Ria at iba pang celebrity ambassadors pinasaya ang opening ng Beautederm store sa Fishermall

Image
ni GLEN P. SIBONGA Hindi magkamayaw sa tuwa at kasiyahan ang mallgoers pati na rin ang fans ng celebrity ambassadors na nag-perform sa mall show kaugnay ng grand opening ng Beautederm store sa Fishermall sa Quezon Avenue, Quezon City nitong Linggo, Oktubre 15. Talaga namang naghihiyawan ang mga tao sa bawat Beautederm ambassador na lumabas at nag-perform sa stage na kinabibilangan nina Ruru Madrid, Ejay Falcon, Jane Oineza, Ria Atayde, Thou Reyes, at Jessie Salvador. Bumati rin sa mga tao ang latest ambassador na si Ervic Vijandre habang nagsilbi namang hosts ng programa ang ambassadors din na siya DJ JhaiHo at DJ Chacha. Kinilig ang mga tao lalo na ang mga kababaihan sa pagharana sa kanila ni Ruru, na bibida sa upcoming GMA actionserye na "Black Rider."  Marami rin ang naka-miss kay Ejay na madalang na gumawa ng proyekto sa showbiz dahil sa pagiging abala bilang Vice Governor ng Oriental Mindoro. Nagpakilig din siya sa kanyang song numbers. Abangan siya sa kanyang gagawing p

Gabay Guro stages grand back-to-back teachers’ tribute events

Image
by GLEN P. SIBONGA Levelling up on its avowed commitment to pay tribute to the Filipino teachers as they shape the minds of the Filipino youth for excellence, Gabay Guro holds a back-to-back teachers tribute this year that culminates in a spectacular ABS-CBN production featuring the country’s world-class singers and performers all on one stage.  Billed “Pagpupugay at Pasasalamat Kay Ma’am at Sir,” the star-studded event also showcases excitingly huge raffle prizes as it is streams live on Oct. 14, 1pm from the famed Dolphy Theater inside the ABS-CBN compound to Gabay Guro’s Facebook page and Youtube Channel.  It comes on the heels of the highly-successful Teachers’ Day celebration called “Together4Teachers” held last Oct. 5 at the Father Saturnino Urios University in Butuan City, Caraga Region in partnership with the Department of Education and Vice President Sara Duterte. This Gabay Guro kick-off event which paid tribute to over 3,000 teachers was graced by Senator Imee Marcos and hea

"It's Your Lucky Day" pansamantalang papalit sa "It's Showtime" simula sa Oktubre 14

Image
ni GLEN P. SIBONGA Naglabas ng official statement ang ABS-CBN kaugnay sa pansamantalang pagpalit ng bagong game variety show na  “It’s Your Lucky Day” sa "It's Showtime" simula sa Sabado, Oktubre 14, matapos patawan ng 12-day suspension ang huli ng MTRCB. Ayon sa statement ng ABS-CBN, " Ang pinakabagong game variety show ng Pilipinas na 'It’s Your Lucky Day' ang pansamantalang papalit sa 'It’s Showtime' at pangungunahan ito ng Pambansang Host na si Luis Manzano kasama sina Robi Domingo, Jennica Garcia, at Melai Cantiveros.  Makakasama rin nila ang iba pang special co-hosts at celebrity guests.     "Mula sa bumubuo ng 'It’s Showtime,' ang 'It’s Your Lucky Day' ay magtatampok ng bagong game at variety segments at ipapalabas tuwing tanghali mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV. Mapapanood rin ito sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.    "Inaanyayahan namin ang mga ma

"Spingo" ng TV5 namahagi na ng P3 milyon at mas marami pang papremyong parating

Image
ni GLEN P. SIBONGA Malaki ang naging impact ng bagong interactive game ng TV5 na "Spingo" sa TV viewing habit ng mga Pinoy dahil patuloy ang kanilang pagbibigay ng malaking papremyo sa kanilang studio contestants at home players araw-araw. Simula nang nag-premiere ang show sa TV5 noong nakaraang buwan, ang "Spingo" ay nakapamahagi na ng mahigit sa tatlong milyong piso sa kanilang mga naging studio players at home viewers. Dumarami na rin ang big winners mula sa studio katulad nina Alex Calleja na nakapag-uwi ng P910,000; si Tuesday Vargas na nanalo ng P411,000; si cosplayer Resty Siarez na nakakuha ng P852,000, at E-gamer Trisha na nagwagi ng P510,000. Dahil may interactive feature ang game na "Spingo," maaari ring manalo ang mga manonood sa bahay. Kailangan lang gamitin ang Spingo app habang pinapanood ang show. Mayroon ng limang (5) home players na nakatama sa blackout jackpot at nanalo ng grand prize worth P100,000 kada araw. Ilan sa mga nanalo na home

First teleserye ng DonBelle unang mapapanood sa Netflix at iWantTFC

Image
ni GLEN P. SIBONGA Hindi na rin ba libreng magmahal? Saksihan ang isang napapanahong kwento tungkol sa konsepto ng pagmahahal ng henerasyon ngayon na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa "Can't Buy Me Love." Unang mapapanood ito sa Netflix at iWantTFC ilang araw bago ito ipalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 sa Oktubre 16.  Ito ang ikalawang teleserye ng partnership ng ABS-CBN at Netflix.  Mapapanood ang “Can’t Buy Me Love” sa Netflix sa Oktubre 13 o 72 oras bago ito umere sa telebisyon. Mapapanood din ang DonBelle series sa iWantTFC app o sa  iwanttfc.com  sa Oktubre 14 o 48 oras bago ang TV premiere nito. Mas palilitawin naman ni Direk Mae Cruz Alviar, ang direktor ng hit series na “2 Good 2 Be True," ang chemistry at kilig ng DonBelle sa kanilang unang pagsasamahang teleserye. Iikot nga istorya kina Bingo (Donny), isang binatang nagsisikap mag-ipon ng pera nang iwanan siya ng kanyang ina, at Caroline, isang laki sa y

Mga artista at direktor sinuportahan ang partnership nina Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino at Ria Atayde sa pelikulang "Monster"

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya sina Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino at Ria Atayde dahil matagumpay ang premiere at advance screening ng Japanese movie directed by Kore-Eda Hirokazu, ang "Monster," na first collaboration at partnership ng tatlong aktres under Nathan Studios pagdating sa movie distribution ng foreign films dito sa Pilipinas. Dumagsa sa SM Megamall Cinema 2 noong Oktubre 3 ang kanilang mga kapamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya na kinabibilangan ng mga artista at direktor para suportahan sina Sylvia, Lorna, at Ria sa kanilang partnership sa "Monster." Syempre present ang asawa ni Sylvia na si Art Atayde kasama ang mga anak nilang sina Ria, Gela, at Xavi. Hindi nakadalo si Arjo dahil nasa abroad ang aktor. Dumalo rin sa premiere ang co-actors nina Sylvia at Gela sa teleseryeng "Senior High" na sina Angel Aquino, Mon Confiado, Elijah Canlas, Juan Karlos, at Daniela Stranner. Sinuportahan naman si Ria ng kasama niyang aktre