"Spingo" ng TV5 namahagi na ng P3 milyon at mas marami pang papremyong parating
ni GLEN P. SIBONGA
Malaki ang naging impact ng bagong interactive game ng TV5 na "Spingo" sa TV viewing habit ng mga Pinoy dahil patuloy ang kanilang pagbibigay ng malaking papremyo sa kanilang studio contestants at home players araw-araw.
Simula nang nag-premiere ang show sa TV5 noong nakaraang buwan, ang "Spingo" ay nakapamahagi na ng mahigit sa tatlong milyong piso sa kanilang mga naging studio players at home viewers.
Dumarami na rin ang big winners mula sa studio katulad nina Alex Calleja na nakapag-uwi ng P910,000; si Tuesday Vargas na nanalo ng P411,000; si cosplayer Resty Siarez na nakakuha ng P852,000, at E-gamer Trisha na nagwagi ng P510,000.
Dahil may interactive feature ang game na "Spingo," maaari ring manalo ang mga manonood sa bahay. Kailangan lang gamitin ang Spingo app habang pinapanood ang show. Mayroon ng limang (5) home players na nakatama sa blackout jackpot at nanalo ng grand prize worth P100,000 kada araw. Ilan sa mga nanalo na home viewers ay sina Richard Mabua Rafols ng Manila at Ma. Reyna Ocampo ng Marikina na pumunta sa TV5 studio para ma-meet and greet ang mga host.
Ang kakaiba pa rito sa "Spingo" ay kahit hindi man pinalad ang home viewer makuha ang blackout jackpot, meron pa rin siyang pagkakataong makatanggap ng cash prize dahil araw-araw namimili ang "Spingo" ng 50 winners ng P1,000.
Isa pang nagpasikat sa "Spingo" ay ang refreshing at energizing na tandem ng mga game show host na sina John Arcilla at Spingorgeous Girl Sam Coloso.
Ayon sa NUTAM ng Nielsen, ang October 4 episode ng Spingo ay nakapagtala ng all-time high na 2.03%. Kaya naman all-out sa pamimigay ng mas malaking papremyo ang TV5 para sa kanilang Kapatid audiences sa buong bansa.
Mahigit 100,000 na ang nakapag-download ng Spingo App sa Google Play Store at paniguradong mas marami pang mahihikayat maglaro nito pag naging available na ito sa Apple App Store para sa mga iOS users.
Sumali na sa pinakabagong craze sa telebisyon at tumutok sa "Spingo" mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 PM, sa TV5.
Comments
Post a Comment