Silka at ABS-CBN magkatuwang sa paghahatid ng Binibining Silka 2023


ni GLEN P. SIBONGA

Magkatuwang ang Silka at ABS-CBN para ihatid ang grand coronation night ng Binibining Silka 2023 na magaganap ngayong Linggo, Oktubre 29, 5 PM sa New Frontier Theater to be hosted by Robi Domingo, Nicole Cordoves, at Sue Ramirez. 

Labindalawang naggagandahang kandidata na nanalo sa regional competitions ang magtutunggali para sa korona ng Binibining Silka 2023. Makikipaglaban para makuha ang titulo ng mga kandidata mula sa NCR, North Luzon, Central Luzon, Southern Tagalog, Ilocandia, Bicolandia, Palawan, Central Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Western Mindanao, at Southern Mindanao.

Ang grand winner at tatanghaling Binibining Silka 2023 ay makakatanggap ng mga premyong P500,000 cash; 15-month contract with Silka para pangunahan ang iba't ibang campaigns ng brand; at dahil in partnership with ABS-CBN ang beauty pageant na ito kaya ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong lumabas at mag-guest sa ABS-CBN shows na maaaring magbukas ng oportunidad upang madiskubre siya at maging contract artist ng network.

Sa mga hindi makakapunta sa New Frontier Theater maaaring mapanood ang grand coronation night ng Binibining Silka 2023 via livestream sa MOR Facebook and YouTube channels, at official Silka Facebook page. Mapapanood din ang delayed telecast nito ng 10:30 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies