Ruru, Ejay, Jane, Ria at iba pang celebrity ambassadors pinasaya ang opening ng Beautederm store sa Fishermall


ni GLEN P. SIBONGA

Hindi magkamayaw sa tuwa at kasiyahan ang mallgoers pati na rin ang fans ng celebrity ambassadors na nag-perform sa mall show kaugnay ng grand opening ng Beautederm store sa Fishermall sa Quezon Avenue, Quezon City nitong Linggo, Oktubre 15.

Talaga namang naghihiyawan ang mga tao sa bawat Beautederm ambassador na lumabas at nag-perform sa stage na kinabibilangan nina Ruru Madrid, Ejay Falcon, Jane Oineza, Ria Atayde, Thou Reyes, at Jessie Salvador. Bumati rin sa mga tao ang latest ambassador na si Ervic Vijandre habang nagsilbi namang hosts ng programa ang ambassadors din na siya DJ JhaiHo at DJ Chacha.

Kinilig ang mga tao lalo na ang mga kababaihan sa pagharana sa kanila ni Ruru, na bibida sa upcoming GMA actionserye na "Black Rider." 

Marami rin ang naka-miss kay Ejay na madalang na gumawa ng proyekto sa showbiz dahil sa pagiging abala bilang Vice Governor ng Oriental Mindoro. Nagpakilig din siya sa kanyang song numbers. Abangan siya sa kanyang gagawing proyekto sa ABS-CBN.

Pinainit naman ng lead stars ng "Nag-aapoy na Damdamin" na sina Jane at Ria ang stage pati ang paligid ng venue sa kanilang paglibot habang kumakanta.

Matapos ang solo song numbers nina Thou at Jessie, nag-collab din sila sa pagkanta at paghataw.

Kinaaliwan din ng mga tao ang pagpapakuwela sa paghu-host at pagpapa-games nina DJ JhaiHo at DJ Chacha.

Nagpasalamat naman si Beautederm Group of Companies CEO and President Rhea Anicoche Tan sa patuloy na suporta at pagtangkilik ng mga tao sa Beautederm pati na rin sa bagong sister brand nitong Blanc Pro. Masaya rin si Ms. Rhea na bumalik na ang live shows ng Beautederm sa malls.

“I’m grateful for their trust and support. Beautéderm is a brand for all — whether you’re morena or mestiza. What’s good about the brand is its effectivity and inclusivity. We’re opening more stores and hoping to touch and inspire more people,” pahayag pa ni Ms. Rhea.

Tuwang-tuwa sa tagumpay ng mall show at store opening sa Fishermall ang Beautederm franchisee na si Arriane Villegas kasama ang pamilya niya.

Ibinahagi pa ni Ms. Arriane ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa kanyang Facebook post, "Thank you Beautederm Family, Thank You to our Dear Ceo Maam Rei , I am Beyond Grateful🙏 

"Thank you, Lord, for the blessings you have bestowed on my life. You have provided me with more than I could ever have imagined. You have surrounded me with people who always look out for me. You have given me family and friends who bless me every day with kind words and actions.

"Loving God, We give thanks and rejoice in the hard work, fun, and fellowship that our staff, volunteers, and all those unknown to us played in making our event a wonderful experience for all. May we find gladness and satisfaction in all of our successes, and even in our challenges and lessons. 

"May God Bless each and everyone na bumili at nanuod🙏"




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies