Kier Legaspi balik acting sa "Black Rider;" Pinuri ang bida ng serye na si Ruru Madrid


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya si Kier Legaspi nang ma-interview namin siya kaugnay sa kanyang pagbabalik sa acting sa teleseryeng "Black Rider" matapos ang tatlong taong pamamahinga sa showbiz.

"It feels good to be back. It feels good na umaarte ako ulit. I love being in show business. I love being a celebrity. I love acting. Kaya natutuwa ako na napasama ako sa cast ng 'Black Rider,'" bulalas ni Kier.

Gaganap si Kier sa "Black Rider" bilang kidnaper at makakalaban siya ng bidang si Ruru Madrid. Kumusta katrabaho si Ruru?

"Madali, magaan. I like Ruru as an actor dahil talagang nagpe-perform siya at very professional. At saka ang galing niya sa action scenes namin. Nakakabilib si Ruru," papuri pa niya sa co-actor.

Burn out ang itinurong dahilan ni Kier kaya nagpahinga siya sa showbiz. Sa loob ng tatlong taon ay nag-focus muna siya sa resto at food business nila ng asawa niya.

Inamin ni Kier na sa pagbabalik niya sa showbiz ngayon ay namimili na rin siya ng tatanggaping role.

"Pag maganda yung project, why not? Pero pag hindi maganda yung role o yung character na binibigay sa akin I have my option to say no," ani Kier.

Kaya abangan si Kier sa "Black Rider" na magsisimula nang umere sa November 6 sa GMA-7.


Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies