Mga artista at direktor sinuportahan ang partnership nina Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino at Ria Atayde sa pelikulang "Monster"


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya sina Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino at Ria Atayde dahil matagumpay ang premiere at advance screening ng Japanese movie directed by Kore-Eda Hirokazu, ang "Monster," na first collaboration at partnership ng tatlong aktres under Nathan Studios pagdating sa movie distribution ng foreign films dito sa Pilipinas.

Dumagsa sa SM Megamall Cinema 2 noong Oktubre 3 ang kanilang mga kapamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya na kinabibilangan ng mga artista at direktor para suportahan sina Sylvia, Lorna, at Ria sa kanilang partnership sa "Monster."

Syempre present ang asawa ni Sylvia na si Art Atayde kasama ang mga anak nilang sina Ria, Gela, at Xavi. Hindi nakadalo si Arjo dahil nasa abroad ang aktor.

Dumalo rin sa premiere ang co-actors nina Sylvia at Gela sa teleseryeng "Senior High" na sina Angel Aquino, Mon Confiado, Elijah Canlas, Juan Karlos, at Daniela Stranner.

Sinuportahan naman si Ria ng kasama niyang aktres sa "Nag-aapoy na Damdamin" na si Jane Oineza na ka-date ang boyfriend nitong aktor na si RK Bagatsing.

Ang iba pang celebrities at taga-showbiz na nakita namin sa premiere ay sina Amy Austria, Isabel Rivas, Ara Mina, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Dominic Ochoa, Bayani Agbayani,  Viveika Ravanes, Nova Villa, Ces Quesada, Anne Feo, Jeffrey Santos, Ogie Diaz, Maika Rivera, MC Muah, Divine Tetay, Tonton Soriano, Toni Co, at iba pa. Nagsilbing host naman sa red carpet si DJ JhaiHo.

Namataan din namin sa event ang mga direktor na sina Ruel S. Bayani, Richard Somes, Dan Villegas, Petersen Vargas, Benedict Mique, Irene Villamor, at Emmanuel dela Cruz.

Pagkatapos ng screening, lahat ay lumabas sa sinehan na puno ng papuri sa "Monster."

Maging kami ay puring-puri ang pelikula. Napatunayan nga namin na tama ang sinasabi nina Ms. Sylvia at Ms. LT na hindi nila dadalhin dito sa Pilipinas ang "Monster" kung hindi ito maganda at kung hindi nila ito maipagmamalaki.

Ang bongga ng storytelling pati na rin ang paglalahad ng mga rebelasyon sa pelikula. Talaga namang mata-touch ang puso mo. No wonder na nanalo ito ng Best Screenplay sa 2023 Cannes Film Festival. Ang galing pa ng mga artista. Hindi ko nga napigilang mapaiyak sa ending ng movie. Ayokong maging spoiler kaya hindi na ko magkukuwento ng mga eksena. Basta hindi sayang ang ibabayad niyo sa sinehan kapag pinanood niyo ang pelikula.

Distributed by Nathan Studios, ang "Monster" ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa October 11, 2023.








Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies