'Love and Everythaaang!' mapapanood na sa NET25
ni GLEN P. SIBONGA Dadalhin ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng pinakabagong talk show nito, ang “Love and Everythaaang!” na pangungunahan ng award-winning personality na si Love Anover. Kilala si Love sa kanyang pagiging masayahin, matalino at kakayahang makihalubilo sa mga manonood. Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa “Love and Everythaaang!” na ang tanging hangarin ay ang magbigay inspirasyon sa mga tao. Ayon kay Love, “This show will be able to inspire people to live and appreciate how beautiful life is, na bawat isa sa atin ay may power at skill within us that can and will get us through life no matter the circumstance will be.” Excited din si Love dahil ito ang kanyang first Radio-TV show. Labis ang kanyang pasasalamat sa NET25 management dahil sa regalong ito na ibinigay sa kanya lalo na't ise-celebrate niya ang kanyang kaarawan ngayong Pebrero. “Thankful ako sa NET25, na kabilang ang pangarap ko na ito sa kanilang regalo sa akin...