Beautederm CEO Rhea Tan sumabak na rin sa resto-cafe business sa Beauté Beanery


ni GLEN P. SIBONGA

Sumabak na rin ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa restaurant-cafe business sa pamamagitan ng Beauté Beanery na nagkaroon ng grand ribbon cutting kamakailan kasabay ng unveiling ng Beautederm Corporate Headquarters sa Angeles City, Pampanga.

“Pet project ko ang Beauté Beanery at malapit ito sa puso ko,” sabi ni Ms. Rhea. “I’ve always wanted to run my own restaurant that reflects my love for excellent service and good food. Bagong endeavor ito at talagang very passionate ako rito.”

Ang Beauté Beanery - na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon -  ay isa lang sa mga bagong business ventures ni Ms. Rhea na lahat ay matatagpuan sa Beautederm Headquarters. Kabilang din dito ang luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ang BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; at ang AK Studio – na isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoots at video productions.

Present sa grand ribbon cutting ng Beauté Beanery ang ilan sa mga brand ambassadors ng Beautéderm gaya nina Lorna Tolentino, Darren Espanto, Korina Sanchez-Roxas, Anne Feo, Alynna Velasquez, Ynez Veneracion, Boobay, Jane Oineza, DJ Cha Cha, at Sylvia Sanchez. 

Nakasama rin nila ang Movie Queen na si Bea Alonzo sa opisyal na unveiling ng building na dinaluhan ng mga VIP ng Angeles City at mga opisyal ng lokal na gobyerno at pati na rin mga kaibigan mula sa media na kumpletong sumuporta sa pagdiriwang ng espesyal na milestone na ito. 













Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin