Patok na web variety show sa South Korea na ‘Nego King' magiging ultimate ‘budol’ show na ng Pilipinas
ni GLEN P. SIBONGA
May produkto o serbisyo ka bang gustong subukan pero naghihintay ka na mag-sale? Narito na ang kakampi mo sa pagtawad at pagtawa – ang "Nego King Philippines!"
Ang "Nego King ay isa sa pinakasikat na web variety show sa South Korea at mula Pebrero 8, Miyerkules, 8PM mapapanood na ang "Nego King Philippines" sa YouTube Channel ng Anima Studios at sa LazLive ng Lazada App.
Ang ANIMA Studios ng KROMA Entertainment ay nakipag-sanib pwersa sa leading global entertainment company na A+E Networks upang dalhin ang "Nego King" dito sa Pilipinas. Ang palabas na ito ay siguradong kagigiliwan ng Pinoy consumers na naghahanap ng mga sale, discounts, at magagandang offer.
"Fueled by our desire to expand our content portfolio, we now bring to our audience a fresh and original unscripted show that is excellently delivered by our talents and creatives at ANIMA. We also want to reward our viewers with unprecedented deals courtesy of our episode partners,” pahayag ni Bianca Balbuena, Head of ANIMA.
Ayon naman kay Saugato Banerjee, Managing Director, A+E Networks Asia, “As a global IP Media Group, we’re constantly creating new formats that transcend cultures and languages. We’re thrilled to have found a like minded partner in Kroma, to bring Nego King to the Philippines. We hope our Filipino viewers enjoy the show and the great deals our Nego King secures just for them.”
Ang TV and radio personality na si Sam YG ang napiling maging Nego King ng Pilipinas na tatawad at makikipag-negotiate sa mga executive at may-ari ng mga kompanya para makabuo ng napakagandang offer na hindi palalampasin ng mga Pinoy.
Sa palabas na ito, mag-iikot-ikot si Sam YG para kumausap ng mga Pilipino at alamin ang kanilang mga pananaw at mungkahi ukol sa featured na produkto. Gagamitin ni Sam ang napag-alamanan niya sa pag-interview ng mga tao upang makapag-bargain sa mga CEO o may-ari ng business para makalikha ng mga magagandang offer para sa mga mamimili.
Mula nang ipalabas ang "Nego King" sa South Korea noong 2020, nakapaglabas na ito ng 60 episodes sa apat na seasons at patuloy na umaani ng milyong-milyong views sa buong mundo. Isa ang "Nego King" sa itinuturing na pinakamatagumpay na YouTube variety shows sa Korea.
Ang top online shopping platform dito sa Pilipinas na Lazada ang official partner ng "Nego King Philippines."
Mapapanood ang "Nego King Philippines" tuwing Miyerkules, 8PM, sa Youtube channel ng ANIMA Studios at LazLive sa Lazada app simula sa Pebrero 8.
Comments
Post a Comment