Rhea Tan dream come true ang Beautederm Headquarters; Celebrity at local ambassadors sumuporta
ni GLEN P. SIBONGA
Kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year noong Enero 22 ay ginanap ang grand opening at unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters sa Angeles City, Pampanga, na para kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan ay katuparan ng kanyang pangarap.
"Beautederm Corporate Headquarters is truly a dream come true," payahag ni Ms. Rhea. “Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beauteful difference in this world has impacted every brick, metal, and stone of this building. Hindi ko ito nagawa mag-isa – madami ang tumulong sa akin. I dedicate this to all our consumers not only here in the Philippines but around the world as well, to my hardworking staff, to my brand ambassadors, and to all our resellers, distributors, and franchisees. Together, we are ready more than ever, to face the promises of the coming years anew with all our hopes and dreams.”
Sinamahan si Ms. Rhea sa ribbon-cutting ng Beautederm celebrity at local ambassadors sa pangunguna ng power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.
Present din sa espesyal na okasyong ito, na mayroon ding Dragon Dance ceremony, ay ang ilan pa sa brand ambassadors ng Beautederm gaya nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Buboy Villar, JC Santos, Shyleena Herrera, Sunshine Garcia, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Quezon City District 3 Councilor Wency Lagumbay, Ning Cordero, Reina Manuel, IC Calaguas, Dr. Minnie Yao, at Darla Sauler na nagsilbi ring host ng programa.
Sa loob ng halos dalawang taon, sa pamumuno ni Ms. Rhea, ang buong team ng Beautederm ay masusing plinano ang disenyo at pagpapatayo ng Beautederm Corporate Headquarters sapagkat layunin nito na maging base of operations ng kumpanya at maging isang premier lifestyle venue sa Angeles City, Pampanga.
Sa Beautederm building matatagpuan ang corporate operations ng kumpanya at pati na rin ang iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group Of Companies na kinabibilangan ng luxury store na A-List Avenue - na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ng BeauteHaus - na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ng AK Studio – na isang state-of-the-art studio na angkop pati sa photo shoots at video productions; at ng Beaute Beanery – na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.
Sa mahigit na isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyun-milyong loyal consumers nito bilang isang industry leader sa larangan ng beauty at wellness dahil sa mga hindi mabilang na mga produkto nito na ngayon ay maituturing na daily essentials na kinabibilangan ng skin at body care, vitamins at health boosters, home fragrances, mga patented merchandise, at marami pang iba.
Ang business model ng kumpanya ay nilikha ng founder nito, na si Ms. Rhea, upang mabigyan ang mga consumers ng life-changing products na siyang tutulong sa kanila upang makuha ang lakas ng loob upang ma-maximize ang kanilang full potential bilang mga indibidwal habang binibigyan naman nito ang resellers, distributors, at franchisees ng pangmatagalang kabuhayan na magbibigay sa kanila ng financial independence upang mamuhay ng masagana kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.
“Sa lahat ng ating pinagdaanan sa nakalipas na halos tatlong taon, it is my fervent prayer for all of us to pick-up where we left off in 2020 as we all rise up together hand-in-hand for a bright future that I know awaits all of us. May we all be blessed with good fortune and may we all continue to strive and thrive in making all of our beauteful dreams come true," wish ni Ms. Rhea para sa lahat ngayong 2023.
Comments
Post a Comment