John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa
ni GLEN P. SIBONGA
PAGKATAPOS sumikat at makilala ni John Calub bilang nangungunang success coach sa Pilipinas, maging best-selling author ng Amazon International, at maging in demand motivational speaker, may bago siyang pinagkakaabalahan ngayon - ang biohacking.
Si John ngayon ay isa nang matagumpay na biohacker, na marami nang natulungang mga maysakit na gumaling. At hindi lang ito mga simpleng sakit dahil bumuti ang kondisyon ng mga pasyenteng may cancer, diabetis, at iba pang sakit sa pamamagitan ng biohacking protocol na isinasagawa sa kanyang center.
Kuwento nga ni John sa kanyang presscon na ginanap sa Madison 101 Hotel noong October 2, marami na ang sumubok at gumaling sa kanyang Biohacking Center. Tulad na lang ng isang breast cancer patient na lumiit ang bukol at tuluyang gumaling matapos ang ilang sessions sa Biohacking Center ni John.
Mayroon pa raw isang matanda na noong dumating sa kanyang center ay ilang tao ang bumubuhat dahil hindi na nga makalakad. Pero matapos sumailalim sa biohacking machine sa center ay umuwing nakakalakad at sumakay pa ng MRT.
Ang biohacking ang sining at agham ng pagbabagi ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan upang magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya. Ang biohacking ay gumagamit ng kumbinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na magpagaling.
Napunta si John sa mundo ng biohacking nang siya mismo ay dumaan sa matinding pagsubok noong 2020 nang siya ay maospital at ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon na tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS). Ayon sa mga doktor, ito ay isang incurable condition kaya araw-araw siyang nakararanas ng matinding sakit.
Ngunit bilang isang never-give-up success coach, nagsaliksik si John ng iba't ibang solusyon at natuklasan niya ang larangan ng biohacking.
Kasama sa mga pinag-aralan ni John ang breathwork, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding o earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing. Sa loob lamang ng 30 araw ng paggamit ng biohacking protocol na ito, naranasan niya ang ganap at mabilis na paggaling - nang hindi na kailangan ng mahal na operasyon, gamot, o matagal na pagkaka-ospital.
Mula rito, ipinanganak ang kanyang sariling sistema na tinawag niyang MIRACLES PROTOCOL, isang kombinasyon ng agham at espirituwalidad para sa mabilis na paggaling.
Itinatag din ni John ang kanyang Biohacking Center sa Quezon City, kung saan maaaring matuto ang mga Pilipino at personal na maranasan ang kapangyarihan ng Miracles Protocol.
Ipinakilala rin niya sa Pilipinas ang paggamit ng Rife Frequency Generator, isang teknolohiya mula pa noong 1930s na dinisenyo ni Dr. Royal Rife. Ang makinang ito ay gumagamit ng partikular na electromagnetic frequencies na tumatarget sa mga mikrobyo, virus, bakterya, at maging cancer cells nang hindi sinasaktan ang malulusog na cells. Ngayon kilala na ito bilang Pulsed Electro Magnetic Frequecy (PEMF).
Upang mas lalo pang makatulong sa kalusugan ng mga Pilipino, bumuo si John ng mga biohacking supplements. Ang pangunahing produkto ng kanyang kumpanya ay ang Optimmune - isang advanced immune system support supplement na may kakayahang magbigay ng proteksyon laban sa iba't ibang sakit at mabilis na recovery. Ang Optimmune ay FDA-approved at ginagawa sa isang Halal Certified at ISO Certified facility.
Samantala, inaanyayahan ni John Calub ang lahat ng Pinoy na personal na maranasan ang Miracles Protocol sa pamamagitan ng libreng frequency healing session tuwing Lunes at Biyernes mula 10AM hanggang 5PM sa Success Mall office, Ground Floor, Broadway Centrum, Aurora Boulevard, Quezon City.
Para magpareserba ng slot, maaaring tumawag sa 0287111259 o +639394226050, o mag-email sa sccustomerservice3333 @gmail.com.
Para naman sa mga nais bumili ng Optimmune, ito ay mabibili sa www. successmall.shopping , TikTok Success Mall shop, at Lazada Success Mall shop.
Comments
Post a Comment