Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family

ni GLEN P. SIBONGA


AMINADO si Beautederm and Belle Dolls CEO Rhea Anicoche Tan na dream come true para sa kanya na makasama si Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda at real-life partner nitong si Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family.


Ayon kay Ms. Rhea, matagal na silang nag-uusap ni Vice pero recently lang natuloy ang lahat para maging ambassador ang award-winning actor-TV host. At may bonus pa dahil nakasama pa si Ion. Sina Vice at Ion nga ang latest ambassadors at new faces ng Belle Dolls, na affiliate ng Beautederm. Naganap ang launching at contract signing nila sa Solaire North grand ballroom noong November 17.


Kuwento pa ni Ms. Rhea, "Pinag-pray namin ito. Nagme-message kami, 'Ano na Achi (Vice)?' Kasi Achi ang tawagan namin. Kasi busy din siya, may mga show pa sa abroad. Tapos sabi ko, bakit paurong nang paurong. Tapos nasaktong birthday ko pa, birth month ko pa. Pag si Lord ang gumawa ng way, the Lord is always on time. Naniniwala tayo sa timing na iyon.


"At eto na... siya na lang ang kulang. Sa dami ng A-Listers natin, matagal ko nang dream na makasama sa Beautederm family si Achi. Tapos may bonus pa, si Ion, napakabait ni Ion."


Very thankful naman sina Vice at Ion na kinuha sila ni Ms. Rhea na maging ambassadors ng Belle Dolls. Sabi pa ni Vice, first time na magkasama at magkasabay silang ini-launch ni Ion para sa isang brand at product endorsement.


"Masaya kami ni Ion na makapiling kayo (press at bloggers) at ini-introduce kami ni Ms. Rhea Tan, the very beautiful Achi of mine, na pinakabagong babies ng Beautederm. Sixteen years na ang Beautederm, sweet 16, at sweet couple ang kasama niyo. Kaya nakakatuwa. We are just both grateful to be part of this Unkabogable Phenomenal family of Beautederm," masayang sabi ni Vice. 


Pagmamalaki pa ni Vice, kahit wala pa silang kontrata ay matagal nang tumutulong si Ms. Rhea sa kanya lalo na sa mga ginagawa niyang kawanggawa. Gaya na lang ng tatlong kabataang binigyan nila ng scholarship.


"Kahit noong hindi pa official, kahit wala pa kaming kontrata, we have been working together for a good cause for the society, for the community, for our kababayans. I'm just so thankful. Thank you for everything that you do. Thank you for everything that you plan to do not just for yourself, not just for your company, but also for the community. I'm so grateful to be associated with you," pasasalamat ni Vice kay Ms. Rhea.


Nagpapasalamat din si Ion na pati siya ay kinuhang ambassador ng Belle Dolls. Kaagad na naging kumportable si Ion kay Ms. Rhea dahil tulad niya ay Kapampangan din ito. Bukod sa pagiging Ilokana - born and raised in Ilocos Sur - ay matagal nang naninirahan si Ms. Rhea sa Angeles City, Pampanga. Taga-Tarlac naman si Ion.


"Iba kasi yung pakiramdam kapag may nakakausap ka na pareho kayong nagsasalita ng Kapampangan. Nagiging kumportable talaga ako. Thank you kay Ms. Rei Tan na kinuha niya akong bagong baby ng Beautederm," ani Ion.


Nagsilbing hosts ng launch nina Vice at Ion ang Beautederm ambassadors na sina DJ JhaiHo at Darla Sauler. Present din sa event ang ilan sa franchisees ng Beautederm.


Kabilang sa ineendorso nina Vice at Ion ay ang healthy juice drinks at coffee ng Belle Dolls gaya ng Collagen Juice Drink na Avocado and Kiwi Flavored, Stem Cell Juice Drink na Strawberry Lychee Flavored, Caramel Macchiato Healthy Coffee, at Black Coffee Decaf.








Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa