Beautederm CEO Rhea Tan mamimigay ng libreng gasolina sa 100 delivery riders at tricycle drivers
ni GLEN P. SIBONGA
UMIRAL na naman ang kabutihan ng puso at pagiging generous ni Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan. Bilang tugon sa hirap na dinaranas ngayon ng ating mga kababayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, mamimigay ng libreng gasolina si Ms. Rhea sa 100 delivery riders at tricycle drivers.
Sa pamamagitan ng programang “Byaheng Kalinga,” kung saan katuwang ng Beautederm Group of Companies at Beautéderm ContriBeaut Foundation ni Ms. Rhea ang Rotary Club of Balibago, na siya ang kasalukuyang Pangulo,100 delivery riders at tricycle drivers ang mabibiyayaan ng libreng full tank gas bilang tulong sa kanilang araw-araw na biyahe.
Ang "Byaheng Kalinga" ay bunga ng "Love in Every Bid" project ni Ms. Rhea kung saan ibinenta niya ang kanyang mga personal na mga gamit at designer items upang pondohan ang libreng gasolina para sa mga delivery riders at tricycle drivers.
Ayon sa social media post ni Ms. Rhea, nabenta lahat ang kanyang personal items sa isinagawang bidding, "Ito na po!!!! Salamat sa mga Sumali ng Pabidding ng aking mga personal na gamit!!! Sold out po!! Salamat!!!
"Let's Say Yes to Love! Always and forever!!! God bless us all!!! 🙏🏼🙏🏼
Ito na Pa free Gas Ni Mommy Ninang!! 🥰
"Bastat punta kayo may sorpresa pa ako sa inyo! 😘❤️"
Gaganapin ang registration sa Sabado, Marso 28, mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City, Pampanga. Isasagawa naman ang fuel claiming mula 4:00 PM hanggang 6:00 PM sa SEAOIL Gas Station, Sto. Domingo, Angeles.
Mechanics
1. Open to all active food delivery riders and tricycle drivers (valid ID or proof of service required).
2. Participants must register during the official registration schedule at Beautéderm Headquarters.
3. Gas assistance will be given on a first-come, first-served basis for 100 qualified beneficiaries.
Claiming
1. Present your registration confirmation and valid ID at the claiming venue.
2. Full tank fuel assistance must be claimed personally within the designated time ONLY.
3. Please follow event guidelines and the queue system to ensure smooth distribution.
Maraming beses nang tumutulong sa ating mga kababayan sa iba't ibang sektor si Ms. Rhea at isa nga ang "Biyahe Kalinga" sa kanyang mga makabuluhang proyekto at gawain.
God bless you more, Ms. Rhea. Mabuhay ka!
.jpg)

Comments
Post a Comment